h1

Dapat ay isang komento ngunit napahaba kaya dito na lang.

Enero 25, 2012

Katulad ng nasa titulo, ito ay dapat isang komento ngunit humaba na at medyo nalihis na sa usapin kaya napagdesisyunang gawing blog post. Ito ay isang paghahayag tungkol sa wika sa ating bansa. ang topic pala ay “ano ang masasabi niyo sa pag gawang taglish sa impeachment trial.”

although hindi ko napanood. I guess this is a good start. kelangan talagang maging kaintindi-intindi ito sa bawat mamamayan. bakit nga ba kasi ingles ang ginagamit sa mga ganitong bagay? ito ba ay para hindi ito maintindihan ng mas nakararami at para hindi na mapakialaman ang mga nasa poder? ito ba ay para magkaroon ng sense of alienation ang mga tao at iisipin na lang nila na “hindi para sa akin ito?” marami pang pumapasok sa isip ko, pero lumihis muna tayo ng kaunti.

Sa katunayan, nung una kong marinig ang wikang “Esperanto” maka ilang taon na ang nakakaraan. nangarap din ako na magkaroon tayo ng isang wika na nahahalintulad sa layunin ng wikang Esperanto. isang wika na madaling matutunan ng lahat ng nasa europa. Ang aking iniisip pa noon ay isang wikang ang base ay ang lahat ng wika ng Filipino para maiwasan ang “Regionalisation” ngunit, ito ay hanggang pangarap lamang dahil hindi naman ako eksperto sa wika. Lingid sa aking kaalaman, iyon na pala mismo ang layunin ng wikang “Filipino” ngunit ang pinaka base pa rin nito ay Tagalog. at dahil nga sa tinatawag na “Regionalisation” sa ating bansa, maraming mga nasa probinsya ang nagsasabing “bakit ko kelangang aralin yan? eh Bisaya/Waray/Kapampangan/Ilokano/ at marami pang ibang wika.

ano ang tinutumbok ko dito? simple lang, sa hinaba haba ng pinagsasabi ko, ang punto ko lang dito ay, bakit ang mga hapon, chino, indiano, belgian, russo, turko, at kung anu ano panglahi sa ibang bansa eh, kahit na maaring hindi lang iisa ang opisyal nilang linggwahe eh lahat ng paguusap nila sa loob ng gobyerno sa kanilang mga lehislatura kahit ang mga batas eh nasa sarili nilang wika? dito lang ata sa ating bansa na ang mga batas ay nasa wikang ingles. OO opsiyal na lingwahe nga rin natin ang ingles, ngunit hindi ba mas maiintindihan ito kung ang mga batas natin ay nasa tunay na wika natin?

Sablay rin kasi ang sense of national pride ng pilipino eh. “IPAGBUNYI ANG PANALO NI PEOPLE’S CHAMP” uhh, yeah, panalo niya yun. siya lang mag isa, lagi niyang sinasabi “para sa bayan ang laban na ito.” maniniwala lang ako sa sinasabi niyang yun pag lahat ng napanalunan niyang prize money eh ibibigay niya sa bayan, pero ibang topic na yun, balik tayo sa wika.

Yun na yun, wala na ko siguro maidadagdag pa. TAPOS.

h1

Mga tanyag na pag gamit sa “Biro lang”.

Disyembre 25, 2011

Katunayan, hindi ko alam kung paano ko sisimulan tong sulat na ito. dalawang porma ang naiisip ko at hindi ito ang una kong naisip, pero ituloy na natin. Siguro naman ay maari ko naman itong pagdugtungin o kung hindi man ay gumawa ng part 2.

ang pariralang (sana tama ako) “biro lang” ay lagi nating maririnig sa kahit saang panig ng kulturang pilipino/tagalog. ngunit ano ba talaga ang kahulugan nito? ito ba ay kung ano mismo ang ibig sabihin nito? o kaya naman ay panakip butas lang pag napansin mong hindi nagustuhan ng sinabihan mo ang sinabi mo?

Sa aking palagay, kadalasan, ang panghuli ang nagiging popular na pag gamit nito lalo na at ang taong sinabihan mo nito ay sadyang hindi mo lang kilala o kabisado at nasa “point of no return” ka na.

Kaya ngayon, tignan natin. ano ba talaga biro kung gayon? sa ingles ito ay “joke” biro, siguro naman ay alam niyo na kung ano ang ibig sabihin nun. Ang tanong, sino ba ang mga taong iyong sinasabihan ng mga biro? Sa tingin ko ito ay ang mga taong kumportable ka na at alam mo na kung anong linya ang iyong dapat hindi lagpasan.

Kaya, ano ang iyong gagawin kung ang isang taong laging seryoso sayo ay magsasabi sayo ng isang bagay, at pag nagbigay ka ng reaksyon na maaring naging negatibo sa kanya ay sasabihan ka na lang ng “itong si ano, bakit kaya ganoon, laging seryoso hindi na ma biro”? siyempre maguguluhan ka di ba? saka, kelangan ata sa biro may constant practice and use sa dalawang taong nag bibiruan para makabisado niyo ang bawat isa di ba?

Kaya naalala ko ang isang liriko sa kanta ng VST and Co.
“Ang isang biruan, ay parang lansangan, na pang dalawahan.” (siguro naman ay nakuha niyo na?)

Ganun ka-simple lang yun, para magkaroon ng isang “tunay” na biro na masaya sa dalawang tao, kelangan ay magkaroon muna sila ng mutwal na pagkakaunawaan sa isa’t isa. pag wala yun, hindi kayo magkakaintindihan. maaring hindi rin maganda ang kalabasan.

Ngayon, pano natin malalaman kung ang isang salita o pangungusap ay biro lang? o seryoso pero biro lang pala? o biro lang pero seryoso pala? kung hindi niyo naman kabisado ang isa’t isa? saan mo ibabase ito kung hindi naman talaga kayo nagkakaintindihan? siguro test the waters na lang at pag hindi na naging maganda ay gagawin na lang panakip butas na “biro lang?”

Ayan, umiikot na ang aking sinasabi, at dahil diyan. hudyat na ito para tapusin ang sulat na ito at bumalik sa aking pag tulog.

P.S.
So, sa hinaba haba ng pinagsasabi ko dito. nung binasa ko ulit, ang botomline lang ata ng sinabi ko ay “pano mo malalaman kung biro ito lalo na sa taong hindi naman normal na nagbibiro sayo?”

h1

Pamasko sa KAbarangay ni Kapitan.

Disyembre 24, 2011

Babala at Paglalahad: Hindi ako rehistradong botante, kaya wag niyo pong sabihin na “pinupulitika” ko lang siya. isa pa, yung angkan namin ay kilalang kaalyado nila. Ito ay isa lamang opinyon base sa nakikita ng aking mga mata. (Yun eh kung mababasa ito ng nakaka-kilala sa akin at alam ang mga pinagsasasabi ko na ang tsansa ay halos wala, baka sakali lang naman.)

Pasko na naman pala, dole out season na naman ulit mula kina Congressman, Mayor, Kapitan, etc. isang umaga, nagkakape ang akin nanay ng nakakita siya ng mga taong may bitbit na plastic na dumadaan sa harapan ng aming bahay ng bigla niyang sabihin “ay! may tiket nga pala ako galing barangay…” at aking sinilip ang nasabing tiket at nakita ko nga ang mga katagang “Pamasko sa KAbarangay ni Kapitan”

Ang unang pumasok sa isip ko ay, “teka, ano to? para san to? bakit?” at unti-unti ng namuo ang mga ideya (o conspiracy theory kung gusto mo dahil aaminin kong mahilig ako diyan) kaya ito ay pinasuyo sa isang bata para kunin ang nasabing bagay. pag dating, ang nakita ko ay dalawang delata, dalawang noodles, at dalawang kilong bigas. siguro ngayon ay iniisip niyo na nagrereklamo ako kung bakit konti lang, pero hindi.

Sa katunayan, sa aking opinyon ito ay isang malaking kabobohan sa parte ng aming barangay.

tignan nating mabuti, magkano ba ang binigay? sabihin natin 50 pesos ang isang delata, 100 pesos, dagdag natin ang dalawang paketeng noodles na 10 pesos ang isa, 120, at dalawang kilong bigas, sabihin nating 30 pesos ang isang kilo, equals 60 + 120 = 180 pesos.

180 pesos sa isang ticket, at kung aking matatandaan, number 125 ang nasabing ticket. kung tama ang pagkaka alam ko, ang populasyon ng aming barangay ayon sa wikipedia ay humigit kumulang 5000. ipagpalagay natin na sa isang pamilya ay merong sampung tao. (karamihan sa aming lugar ay CDE socio-economic class)kaya 5000 divided by 10 = 500. 500 x 180 = 90,000 pesos

Biruin mo yun?! 90,000 pesos? para sa isang barangay na laging sinsabi na walang pera/pondo dahil kalaban nila si incumbent mayor sa pulitika. (which is totoo naman)

Ewan ko talaga kung anong klaseng lohika meron ang mga pilipino, lalo na ng mga taong nakaupo sa pwesto. mas marami sanang magandang pinuntahan yang 90,000 pesos na yan, sabihin nating isang co-op na maaring kumita ang barangay pati na ang mga nasasakupan nito. at least, lalago ang 90,000. hindi katulad nung pinang dole out, pagktapos ng isa o dalawang araw lang wala na.

at yan ang mangyayari, kung walang vision ang mga namumuno sa ating lugar. walang pupuntahan, ang problema naman sa mga tao, eh masyadong complacent. dahil “kakampi” ok lang na walang nangyayari, pag kalaban naman ang nagsalita “pinupulitika” kaya ito ang nangyayari. mas maganda pa siguro, bawat isang bahay sa pilipinas ay magiging sariling bansa niya. kasi ganun naman nangyayari eh, kanya kanya lahat ng tao. walang pagkakaisa, lahat ng tao sa paligid mo hindi mo mapagkatiwalaan.

malapit na pala akong mag 500 words sa mga walang ka kwenta kwentang pinagsasabi ko, kaya titigilan ko na.

P.S.
nung huling barangay election dito sa lugar namin, kahit na maging botante ako, wala akong iboboto. dahil lahat ng tumakbo dito sa amin sa aking palagay ay wala namang kakayahang gampanan ang kanilang mga trabaho.

h1

Why Metal Gear Rising: Revengeance is FAIL.

Disyembre 15, 2011

Disclaimer: this is a fanboy rant, and I guess this photo is a proof. (I also have Metal Gear Solid Integral for PS1, but a friend borrowed it since last year and haven’t returned it since then.)

so let’s start, but before all that, I’ll say the positive aspect of the new title first.

It’s not Metal Gear Solid. At least, people can argue “that’s not canon!” or something like that.

But I think it would have been better since they already rebooted it to just create a new character on a far-far away place, maybe something like alternate universe or something, but no, they used Raiden then placed the story AFTER MGS4. so that’s where my first issue lies.

I don’t even know how to start this one (may brain is bombarded with thoughts after thoughts). but the title was Revengeance, so presumably Rose and his child got killed or kidnapped then he’s taking vengeance. cool, great. but wait, what’s with those Gekko? who’s controlling it? Isn’t the connection to JD has already been severed because of the FOXALIVE? so the AI have found a way to get around it? so how will it go now? they’ll sever it again, then the AI will found a way to get around it forever and ever? or they will just destroy it and the world will be in chaos? Also why in hell does this Raiden look a like throw Metal Gear Ray using only his hands?!

That brings me to the second point, the overall feel of the game has completely changed, and in our local language it has become “kenkoy” I can’t think of an English word equivalent, so I’ll leave it at that. (besides, I believe I don’t have any readers anyway)

So, let’s try to compare the two trailers, MGS:Rising and Revengeance.

MGS:Rising

Revengeance

See? I’m not really good with words, but the Revengeance feels so… I don’t know, cartoony perhaps? definitely because of the game engine.

So there you go, my random blabber about revengeance.

so there you go, as I have said earlier, I am writing this as a fanboy. good thing it’s not part of the MGS series, but whether it is a good decision to reboot it and still release it rather than just announcing it was a dead game, only time can tell.

P.S.
that concept of Kojima using the Boss and the Cobra Unit on the Invasion of Normandy was a good one (I would love to see this become a reality). Also, I guess Kojima is only doing this game just for the sake of doing it, not because he really liked it. think about it for a minute, he left the whole thing to his so-called “new generation” staff and focused on Peace Walker. I mean, there is no enthusiasm in it. but that’s just me.

P.P.S.
The truth is, I am not that excited since MGS:Rising was announced, I’m only on 25% excited mode, so I don’t even read news about it and never knew that it was already almost 2 years since the last E3 trailer. but now that this has happened? well, I’ll just have to wait and see.

h1

Domestic Animal Cruelty.

Agosto 30, 2011

Sa totoo lang, inaantok na ko. pero may isang kapitbahay kasi namin ang “dinidisiplina” ang kanilang tuta na alaga, or should I say alipin? kaya medyo hindi ka rin makakatulog sa nakakabasag tengang pag iyak nito.

Lagi mo itong maririnig sa mga matatanda, na kelangan daw paluin para mag tanda ang mga alagang hayop. way back in time, aaminin ko na naniwala din ako doon. ngunit may isang bagay na sumagi sa aking isipan. ang tao, ay sakim, at mahilig mang-api ng hindi makalaban o lumalaban.

Lumalaban ba kamo? pasok na pasok sa mga alagang aso, dahil kadalasan ay hindi sila lumalaban. kaya ang mga tao, ginagawa lang ang nais nilang gawin, tignan nating mabuti. sa pag gamit lang ng simpleng mga sailta. “yung aso namin.” sa isip-isip ko. “aso mo? bakit, tingin mo ba eh ginusto niyang mapunta siya sa inyo? may sarili siyang buhay. nagkataon lang na tuta pa lang siya ay napunta na siya sa inyo, pero kahit na wala siyang control doon, ay hindi mo pag aari ang buhay niya.” pero ako lang yan, at iwanan na natin ang usapin na yan dahil talagang ako ay inaantok na.  (or wala na kong masasabi pa.)

Ngayon, subukan naman nating hanapan ng dahilan kung bakit ganoon ang mga bagay, may naisip akong isang case study. yung taong nasa likuran ng aming bahay. ang alaga nila ay malalaki na, ngunit kung mura-murahin at hampas-hampasin ng taong ito ay parang naglalaro lang siya. sa paghahanap ng dahilan kung bakit ganung kalupit siya sa mga walang kalaban-laban na mga aso. naisip ko, siguro nung siya ay bata pa, nakaranas siya ng pagmamalupit at pagmamaltrato sa kamay ng kaniyang mga magulang o kanino pa man, at yun lang ang kanyang form of therapy to cope up, doon niya binabaling ang mga nangyari sa kaniya dati, pero siyempre, malamang ay epekto lang yan ng aking mapaglarong isipan.

at dahil diyan, sa haba-haba ng aking pinagsasabi dito. ang naisip ko ay ganito, kung ang aso kaya ay may kakayahang makapatay kagad ng nilalang (ayokong gamitin ang salitang tao) yung tipong mga tigre o leon o crocodile na kayang kumain ng buhay. mangyayari pa kaya ang lahat ng ito? siguro ay sa mas maliit na porsyento na lamang, dahil sigurado ako. magdadalawang isip muna sila bago nila “disiplinahin” ang kanilang mga alaga.

at dahil diyan, makatulog na nga.

P.S.
I love beef, pork, and chicken. so that hardcore (O.A.) animal activist group,can freely call me hypocrite or what not. I’m pretty sure you will not reach this page anyway. Just in case, we are clear. lol.

P.S. 2
Sabi nila alak ang kailangan para lumabas ang mga salita pag nagsusulat ka ng ganito, ako kadalasan pag puyat madaldal. lol. hahaha.

h1

Art is troublesome.

Agosto 29, 2011

Don’t get me wrong, but put it this way. I don’t have enough brain power to process artistic things. be it visual, literary, and the million other classifications of art. in short, I have inferior brain than most of the people who can and have the ability to judge artistic stuff.

But that’s where the problem comes in, a lot of people cannot understand that. but hell, who cares if they didn’t understood me, but that would make me sound like an artist? but I know I am not.

I don’t know where is this going, but I think I am going to close this by saying. the world could be a more peaceful place if we value sensitivity, on who should start showing the sensitivity, that I cannot answer.

P.S.
As long as it doesn’t involve me directly, then I do not care. in short, “leave me alone, and we don’t have any problems” is currently my motto. which can cause a lot of misunderstandings and problem.

h1

Evolve

Hulyo 24, 2011

That is the term my friend used while we we’re talking one-on-one in our elementary reunion. But I sure know what he meant by that. I should grow up, get out of my comfort zone, and the likes. In the end, I did not do anything, but I really appreciated his effort. Now, I can find a reason behind his nickname of which I don’t really use to address him.

and then, I suddenly remembered a quote by Rizal. I don’t remember the exact words. but it tells that people who know better is at fault for not doing anything, rather than people who are less knowledgeable who picks the wrong choices. So perhaps I am the worst person in the world, right? But then, he’s also the one who said that “Wala ka namang paki alam sa mundo di ba?” or in english “You just don’t care about the world right?” of course, he is correct. so in the end, who cares, right? But seriously, speaking I think I want that part of me to change. but maybe, I’m just not ready yet. so…….

Actually I think of that as my opening for the more serious commentary about the that event, but I can’t seem to type anything. so might as well do that next time.

Now Playing -The Ideal Condition (Paul Hartnoll)*

*= I just missed that feature of Livejournal before.

h1

Divorce sa Pilipinas. Bakit hindi?

Hunyo 1, 2011

So as usual, nakiki-alam na naman ang CBCP. In the end, it all boils down to how you see marriage. is it “religious” or is it “social”? (di ako makaisip ng better term than social.) And me, being na hindi naniniwala o bilib sa relihiyon. You should have already gotten my drift right?

Kaya binasa ko ang naturang panukalang batas sa URL na ito: House Bill 1799 at sa aking opinyon, konserbatibo pa nga ang batas na ito. Meron lamang limang grounds upang makapag pa divorce ka, at hindi pa kasama dito ang pananakit at pang aabuso (yun naman ay grounds para sa legal separation). at hindi pa rin pwede yung magpipirmahan lang kayong dalawa para makapag pa diborsyo kung hindi pasok sa limang grounds na yun, Kaya ano na naman ang problema ng Simbahang Katoliko? Saka isa pa, sa aking pagkaka alam. meron namang hiwalay na “annulment” ang simbahan. so ayun, eh di wag nilang ikasal ulit sa simbahan nila yung mga makikipag divorce.

Let me quote the Congressman from Albay kahit hindi ko siya gusto. “You cannot make church dogma into law.” (take note na malamang hindi ganyan ang eksaktong pagkakasabi niya pero sigurado naman ako na ganyan ang ibig niyang sabihin)

So again, ano ang issue? dapat naman wala eh. kasi in the first place hindi naman dapat talaga nakikialam ang mga pari eh.  saka isa pa, sa ating mga muslim na kapatid, pwede silang makipag divorce, so bakit tayo hindi? dahil sa simbahang katoliko? eh pano naman yung mga hindi muslim pero hindi rin katoliko?

At dahil sa mga pinagsasasabi ko, isasara ko na lang ang sulat na ito sa pagsabi ng

Kung hindi ka sang-ayon sa divorce bill, malamang ikaw ay:
1. isang abugado o hukom at mababawasan ang iyong kita. dahil aminin na natin nagiging paraan rin ito ng red tape.
2. isa kang religious zealot na moralista.
3. sadyang masokista ka lang.

So ayun, magandang gabi sa inyong lahat.

P.S.
Inyo pong pagpasensyahan ang gulo-gulo kong sulat sa gabi na ito.

h1

Ang Pakikipag Debate ay naiiba sa Ordinaryong Troll.

Mayo 17, 2011

Ngayong araw na ito, wala akong balak na gumawa ng blog entry. Ngunit nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay condorhero na may nagaganap daw ngayong interpellation tunkol sa kontrobersyal na House Bill 4244 o mas kilala bilang RH bill. Ako naman ay agad-agad na nabukas ng telebisyon upang mapanood ang nagaganap na debate. At aking nakita ang dalawang kongresista na nagpapalitan ng diskurso at kanilang mga opinyon. ngunit etong si kongressman amado bagatsing ay natawag ang aking pansin, at ang naging dahilan na rin nag pagawa ko ng sulat na ito. noong una ay medyo naaliw pa ako sa palitan ng dalawang kongresista ngunit sa kalaunan ay lumabas na rin ang medyo kahinaan ng pag rerebyu niya. sa maikling pananalita, hindi niya ginawa ang kaniyang takdang aralin.

At gayon nga ay unti-unti ng lumabas ang sabaw niyang mga argumento at pananalita. katulad ng:

“bakit universal? anong pakialam natin sa universe?”*
“Bakit mo tuturuan ng sex education ang mga Grade 4 gayong ang alam lang nila ay ang maglaro ng piko”*
“2000 years na ang katolisismo. Christianity is 3400 years old. State is only 113 years old. Tell me, sino ang nakikialam?”*

na kung susuriing mabuti ay masasabi nating hindi masyadong pinagisipan ng maayos. sa katunayan nung narinig ko na sinabi niya yan ay mga masasamang salita lamang ang nabigkas ng aking makasalanang bibig.

Ngayon, medyo naasar na sa mga walang basehan niyang mga pinagsasasabi, sinubukan kong hanapan ng dahilan kung bakit ganoon ang kaniyang pananalita at pagiisip. kaya naisipan kong i-google siya. at doon nga nakita ko na siya pala ay ang chariman ng House Committee on Games and Amusements. noong aking malaman iyon, nakitaan ko na ng dahilan ang kaniyang mga pananalita at pagiisip. hindi na ko nagtaka kung bakit siya ay isang payaso. sinubukan ko pang bigyan siya ng pagkakataon, hanggang sa napagod na ang aking utak sa pag proseso sa kaniyang mga paulit ulit na argumentong walang laman at nagdesisyon na lamang patayin ang telebisyon at isulat ang blog entry na ito. sa huli, napagtanto ko na siya ay isang troll. at nagdesisyon na lang magpatugtog ng ilang musika ng The Doors para ako naman ay lumigaya at makalimutan ang pagpapahirap na nagawa sa akin ng pagpanood sa “parang” debate na yun ng ilang minuto.

At dito nagtatapos ang aking medyo mahabang sulatin.

*rephrased na po ito mga kapatid, maaring iba sa konteksto ng kaniyang sinasabi, ngunit. in the end para sa akin. bobo pa rin siya.

P.S.
Kahit ayoko sa pagmumukha ni Rep. Lagman, infairness to him ginawa niya ang kaniyang takdang aralin.

Para naman kay Rep. Amado Bagatsing, hindi ko alam kung ano ang layunin mo sa iyong grandstanding ngunit sana naman next time, mag saliksik naman tayong mabuti ng hindi ka naman mag mukhang bobo at tanga sa harap ng nakararaming tao. (o sa akin lang pala siguro)

P.P.S

sa iba pang mga Anti. sana naman po eh stick to the topic na lang tayo. hindi po kung anu anong palabok pa ang ating sinasabi na wala namang kinalaman sa usapin, tigilan na rin po sana natin ang mga below the belt na pasakalye at hirit dahil mas lalo lang po kayong nagmumukang talunan sa mga nakararami. (ako po ay humihingi ng tawad sa palabok at kalye na nadamay pa sa usapin na ito)

h1

Justin who? A Public Service Announcenment?

Mayo 11, 2011

Ang akin pong tatalakayin para sa araw na ito, ay ang katatapos lang na konsyerto ni J na medyo hinype ng TV5. (or baka kasi madalas yun na lang ang pinapanood kong news cast kaya ko nasabi ito.) (hindi ko na rin po ilalagay ang buong pangalan para hindi na ito lumabas sa mga search engine at maka attract pa ng mga fans niya at baka mapasama ako ng di oras, pero sigurado naman ako na alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko.)

Akin pong ilalatag ay ang naisip kong dahilan kung bakit hindi dapat siya panoorin ng live sa concert, paki basa lang pong mabuti, panoorin ng live po mga kaibigan, hindi ko sasabihin na pangit boses niya or walang kwenta ang mga kanta niya, o mayabang siya or something. dahil ako po ay naniniwalang wala akong karapatang sabihin yun, first of all hindi ko siya kilala, at wala pa akong naririnig na kanta niya na buo kahit isa.

Ngayon po sana ay nagkaliwanagan na tayo, sisimulan ko na po. sa totoo lang, ako ay iikot lamang sa usapin ng seguridad. Himayin po nating mabuti, isang pampublikong konsyerto, na pinagkakaguluhan ng mga babae o parang babae, mula teens hanggang sa mga malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad, and beyond.

Tignan po nating mabuti, napakalaki ng chansa na magkaroon ng stalker or even serial rapist/killer na pwedeng humalo sa pagpanood ng concert at doon maghanap ng kaniyang bibiktimahin, madaming pagpipilian ika nga. eh nauuso pa ang mga haters nung naturang singer na yun, eh pano kung may isang hater na may saltik sa utak tapos gusto niya marape and/or mapatay ang lahat ng “magandang” teenager fans nung singer? hindi po malayong mangyari yun. yari na. kaya mga magulang, kung inyo pong pinapahalagahan ang kaligtasan ng inyong anak, hayan niyo na lang pong magpakalunod sa paulit ulit na video, mga litrato at kung anu ano pang mga paraphernalia ang inyong mga anak at wag na itong hayaang ma expose pa sa mga masasamang loob, not unless siguro kung may “VIP” pass ka at hindi ka makikita ng karamihan, pero baka nga mas delikado pa yun dahil prone na yun sa iba pang kaso ngunit ibang usapin na yun.

Kaya ayan po, sa hinaba-haba ng aking mga pinagsasasabi isang punto lang po ang aking nasabi. Magandang gabi po sa inyong lahat.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.