Archive for Setyembre, 2006

h1

isang nakakatuwang bagay mula kay randy.

Setyembre 21, 2006

 

Mura

Siyet – masa ang dating.

Litsi – mga “longkatuds” ang gumagamit. Check mo ang anak mo kapag may yaya kang nagmula sa bisaya.

Putang Ina – madalas kong marinig sa mga ka-table sa beer house.

Buwaka ng Ina – Sa mga tambay lalo na sa barker ng sasakyan. Pag hindi nagbibigay ang driver ng jeep at sasabayan ng karipas ng takbo.

Tang-ina – common word na. Madalas gamitin pag nag ku-kwentuhan ang mga barako. Kahit ang mga bata ito ang una nilang natututunan.

Fuck – mas madalas gamitin ng mga inglisero, half-Filipino at half-alien. in short mga “conyo”.

Damn – gamit ng nasa pangkaraniwan estadong pamumuhay na gustong maging sosyal, o nagpapaka sosyal.

Shit – para sa mga may maikling ang pasensya. Mas madaling lumabas sa bibig. Kahit walang kwentang bagay, gulatin mo lang ito na ang kanilang mabubulalas.

Punyeta / Leche– may pagka aristokrata ang dating. Panahon pa ng mga lolo natin. Hinukay pa galing sa baul. imported galing pa sa bansang espanya.

Gago – pwede mong sabihin ng nakangiti ka ng hindi nakaka offend. Pwedeng gamitin sa biruan

Pucha – wag gagamitin sa forum kung ayaw mo ng kaaway. pero kung gusto mong may kadebate, sige lang.

Tarantado – Kung gusto mo ng mabilisang away, sabihan mo lang makasalubong mo, instant bugbugan na.
—————————————————–

haha, pare napatawa mo ko dito. alam ko kung bakit mo naisipang gawin ito. hahaha ayos ka PARE!!!

Advertisements
h1

Sirang Dilat ang Mata.

Setyembre 17, 2006

ayan, umaga na alas-ocho na. nakaiglip ako guess kung gaanong katagal? 10 minutes. ayos na ayos. kaya eto. isa akong sira ulo na Dilat ang Mata.

Pinilit kong matulog ngunit talagang hindi na ako makatulog ayun pala, dahil kumakalang na ang simura ko. eh di nagluto na lang ako ng scrambled egg (badtrip isa na lang) tapos naisipan kong lagyan ng ham. sabay sabi ko aantayin ko si “potpot” yung sa pandesal. bakit potpot? dahil yun ang pangtawag niya. “pot pot” hahaha

Tapos naman, dumating ang kuya ko galing QC.umaga na. mongee talaga yun tapos nakita niya yung niluto ko eh mukhang hindi pa natutulog galing daw siyang party. ayun tinignan sabay napa “badtrip hindi nabuo yung scrambled egg”. sabi niya. “madami kasing ham” haha. kitams? kaya hindi ko masabi sa itaas na konting ham heh. tapos nagbalot pa siya galing dun sa party. penne daw. nakabalot sa itim na plastic (parang garbage bag ba?). buksan ko na daw agad at baka mapanis na.

Binuksan ko na ng biglang may “hindi” magandang amoy na lumabas. sabi ko. “mukhang expired na yan ha”. una mukhang hindi siya makapaniwala. kaya sabi niya “teka tignan ko” sabay pagkakita. “ay oo nga” ayun sa basurahan na sa labas inabot. haha. kaya eto naisipan ko munang kumonekta sa kamangha-manghang mundo ng internet. konting type chat at kung anu ano pa. hindi dumating ang pandesal na inaantay ko. bwiset. kaya pinapak ko na lang yung niluto kong itlog.

ayan umaaraw na mejo sumasakit na mata ko. (kahit na naka pinaka mababang brightness na itong monitor ko) kaya sige paalam muna CHOW!

Disclaimer:

the expression “CHOW!” is copyrighted to a person named allania. “allan manuel”  haha

h1

again another weird observation.

Setyembre 15, 2006

may napansin si condor, tignan niyong mabuti ha 😀

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

kung makikita niyong mabuti, ang post ni randyblu at ni simple_trish26 yung number of posts nila is 707. kung mejo nalalabuan kayo tignan po natin ang croppedd version.

Free Image Hosting at www.ImageShack.us
kung mapapansin natin, ang post 707.

here’s an what condorhero said:

” At this time, as I am typing this post, I noticed randy and simple_trish’s
number of post: 707

7 + 0 + 7 = 14

14 is the day of valentines day where people express their love.
14 is the number of letters in “I love you so much” ”

hahaha that makes sense huh? bwahahaha

————-

Eto pa isa…

Wala kayong nakikita? look carefully

666 post?!?! what the hell?

wala na naman akong magawa. HAHAHAHA. see you later.

h1

ang pagkikita. (part 3, ang pagtatapos)

Setyembre 15, 2006

At natapos na nga kami sa pagkain, (take note: hindi namin lahat naubos ang pagkain namin except kay ate darla na naubos niya saka kay trish ata). pahinga ng konti kwentuhan at kami ay lumabas na ng mall, ang buong akala ko ay uwian na kaagad ngunit ako’y nagkamali. nagbabalak pa pala silang mag kape. una kaming nagpunta sa starbucko ice drop. ngunit dahil nga “in-demand” ito. puno siya. kaya tumawid kami sa kabila ng megastrip at nagpunta kami sa “seattle’s worst” ika nga ni condorhero (na kahit hindi namin siya kasama). una din walang space. at ang una naming napansin ni randy ay ang “offline” yung sa wifi access, pumasok kami sa naturang kape shap, at lumabas naman kami sa kabilang dulo, parang dumaan lamang kami. at tumigil kami sa harap. at nagtatanong na sila kung ano pa ba balak, naisipan nilang bumalik na lang sa starbuko. ngunit nakita namin na meron ng lugar sa seattle’s worst kaya doon na lamang kami umupo. nag-ayos ng konti at “sabay” na pumasok si ate darla at randy sa loob ng kape shap, tinanong kami kung ano gusto, frap na lang daw and stuff, ngunit wala pa lang frap sa seattle kaya mga hot and cold coffe na lang. habang nasa loob sila ate darla at randy, naiwan ako kasama ang dalawang pasaway, sa labas, (take note: mejo madaldal na ko dito sa part na ito). tahimik lang ako at nagsalita si princess, “hoy, bakit ka ganyan? Sa YM ang ingay ingay mo pero ngayon ang tahimik mo.” tumawa lang ako, kaya nagtanong na lang ako ng nagtanong ng kung anu-ano. si trish tumatawag na ang kanyang ina. si princess naman nakikita na rin na papagalitan siya.

Lumabas na sila ate darla at randy kasama ang mga kape, my tatlong ice coffee at dalawang hot coffee, (pahabol ko lang noong papunta kami sa seattle’s worst, sinabi ko na “wag niyo na kaming idamay sa caffeine addiction ninyo” hehe).

wala daw frap pala doon kaya napaisip ako yung dalawang parang mocha na ice coffee napunta na kina princess at trish. yung isang hot coffee naman na dark ata yun na kay ate darla na. kaya ang pagpipilian ko na lang ay yung isang dark ice coffee at cappucino. eh hindi naman ako umiinom ng dark kaya cappucino na lang ang pinili ko, mejo mapait ang kape nila, kulang sa “coffee mate” haha creamer, kulang kaya binuhos ko na lang ang isang sachet ng white sugar sa kapeng iniinom ko, sa sobrang kailangan sa mga kasama, nakuha ko pang mag straw. sa hot coffee. at napagtanto ko din na hindi hahalo ang asukal dahil napunta lamang ito sa bula sa ibabaw. nagkwentuhan kami at kwentuhan at nagkwentuhan lamang. at noong mga bandang alas-diyes y media na, napagdesisyunan naming “pack-up” na sa pananilita ni randy at “uwian na” para naman sa aming mga normal. inubos ko na ang iniinom kong kape at sinabi ko kay ate darla at sa mga girls na may dalang bag na itago na ang tasa, ngunit bad nga pala ito. sinabi ko rin kay princess na dasalan niyan ng limang beses ang kanyang kape at bago siya mapagalitan ng kanyang mommy ay bigla niya itong i-abot ngunit naubos na daw pala niya ito.

Kami ay tumayo na kami at nagpaalamanan na. si randy kasabay si trish, si ate darla si princess naman. napaisip tuloy ako. ako ang pinaka bata sa grupo na yun ngunit ako pa ang walang kasama? haha. mejo hiwahiwalay na kami si randy at trish at tumuloy na sa kabilang building at si ate darla at si princess ay papunta sa aking likuran habang ako naman ay naglalakad naisipan kong lumingon sa likod at nakita ko si ate darla at princess na tinatawag ako, doon na daw sila sa st. francis square sasakay kaya mejo nagkasabay sabay pa kami. hanggang umabot na kami sa sakayan ng FX papuntang pateros, isang huling “babay” at ako’y sumakay na.

Nagteks sa akin si ate darla noong nasa bahay na ako pati na rin si randy. si ate darla ateng-ate ang dating na tinext pa sa akin ang plate number ng FX na sinakyan ni princess. si randy ewan ko lang. hehe at ayon sa usapan aftermath ako pala ang pinakamaagang nakauwi, 11:30, si trish mga 12 daw pati si ate darla nagtext siya sa kin nung nakauwi na siya. si randy hindi ko lang alam hindi na siya nag text. si princess daw ala-una na nakauwi. dapat pala ay sumabay na lang siya sa akin ngunit mejo “awkward” naman ang setup nun kahit anong isip ang gawin ko 🙂 haha.

Mejo bago ang karanasang ito dahil first time ko itong ginawa, enjoy naman kahit papaano. kaya hanggang sa susunod muli Photobucket - Video and Image Hosting

P.S

sa palagay ko si ate darla at si randy gusto pang Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting

at sila princess at trish inaantay ang Photobucket - Video and Image Hosting hehehe Photobucket - Video and Image Hosting

palagay ko lang naman yan 😀

at my mga nagtatampo pa. hehe kayo kasi eh, dapat tinawag niyo si Photobucket - Video and Image Hosting eh kaso naman mukhang wala talaga kayong panahon. hahaha di bale next time na lang kung magkakatotoo pa. sana 😀 Photobucket - Video and Image Hosting

h1

ang pagkikita. (part 2)

Setyembre 12, 2006

Ako’y dumating na nga sa Megamall at kaagad akong pumasok sa loob ng nasabing mall. Nagtext ako kay randy kung nasaan na siya ngunit hindi siya sumasagot. habang nasa FX ako ay kanyang tinext na sa club synergy game center daw kami magkita. at tinext naman ako ni ate darla na sila ay nasa food court sa tapat ng jollibee. sa katunayan dumaan na ako sa jolliebee ngunit hindi ko sila nakita at dumirecho ako sa game center. naupo at nung magtetext na ako bigla ko na lang nakita ang trademark na “hiking bag”. bigla na lang pasimple pa na bigla lang akong nakita “oi” sabi sa akin sa katunayan sabay pa kaming nagbatian. si “randy” na pala yun. at sabay kaming nagpunta sa lugar ng tagpuan. sabi ni randy eh “maghanap ka ng tatlong babae” sa katunayan yun ang ginagawa ko kanina pa. ngunit wala kaming matagpuan ng biglang my nagteks sa akin na parang “stalker” ang dating, “nakita ko na kayo” ang teks na galing kay ate darla. sabay tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng isang babae at kinawayan ako. kaagad kong tinulak si randy papalapit sa kanya. kaya pala talagang hindi namin sila makikita. umalis ang dalawang pasaway, at nagiisa lang si ate darla. kaya ayun paglapit namin, pakilala and stuff. at “hand-shaking” na mejo nahihiya pa ako. kaya pala wala ang dalawang pasaway ay dahil bumili sila ng zagu. kaya kwentu-kwentuhan muna ng konti. hindi ko na matandaan ang pinagkwentuhan ngunit nagkwentuhan nga kami.

after 12490813512413 seconds dumating na ang dalawang pasaway. tatawagin natin sila sa pangalang “pasaway 1” and “pasaway 2”. hindi joke lang. sila ay si princess at si trish. tumayo ako at lumayo sa kanila dahil talagang ilang na ilang na ako. ngunit bumalik din dahil hindi naman pwede na nasa kabilang bench ako at nandon sila sa kabila habang nagkikipagusap. magmumuka naman kaming naguusap mula sa magkabilang dulo ng mundo. kaya nagkwentuhan kami ng kaunti at lumarga na kami. trip daw nilang kumain. kaya ako naman sunod lang. una kaming pumasok sa kenny rogers. ngunit ayaw ni randy doon. ewan ko ba. mejo ako rin ayaw ko. (kung tutuusin nga pwede na ako sa turo-turo, ngunit wala naman noon sa loob ng isang mall.) kaya lumabas din kami sa nasabing kainan at nagpunta naman kami sa mann hann. ngunit ayaw ni randy dahil mahaba ang pila. kaya lumakad ulit kami pakabila naman at napunta kami sa pho-hoa, isang vietnamese restaurant. sa isip isip ko. makakakain ba ako diyan? makakain ko ba yan? hindi lang ako nagsasalita ngunit parang hindi ko feel sa nasabing kainan. pumasok na kami at umorder na ng kakainin. mejo matagal din dahil parang ayoko talagang umorder ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? kaya umorder na lang ako. ang aking naorder ay mejo common sa mga asian restaurant kahit sa hen lin meron nun. yung “braised beef”. Kaya nung nakita ko yun sa menu yun na lang ang aking kinuha, sa katunayan naamoy ko lang yun sa tabing mesa namin at naisip ko na yun na lang. si randy ay umorder ng parang ramen style noodles, si ate darla naman parang hipon na spicy ngunit, pinaalis niya yung anghang, si princess naman parang sizzling plate. at si trish. actually hindi ko nakita pero tingin ko parang dimsum style na pagkain. ngunit hindi siya steamed, pero hindi ko talaga nakita. merong inorder si randy na parang ewan ko. mukhang gulay na my ewan talaga. tinikman ko ngunit hindi ko talaga makain ito at wala na akong nagawa kundi iluwa ito. parang lasang sabon siya na ewan talaga. ang dalawang pasaway naman ay hindi nauubusan ng kwento kahit nung naglalakad pa lang kami. sa katunayan, nagkakatinginan na nga lang kami ni ate darla, randy at ako. dahil talagang hindi nauubos ang kwento.

mejo mahaba na ang kwento, ang part 3 naman ay sa susunod na.

Abangan 😀 hahaha

h1

now for something new.

Setyembre 11, 2006

wala akong ma post na entry kaya paginitan natin si ate patrish:)) haha look carefully:

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Kung makikita niyong mabuti yung number of post. bakit kaya ganoon? haha wala lang akong ma-post talaga. hehehe

h1

ang pagkikita. (part 1)

Setyembre 9, 2006

nirequest ni idol akio na ikwento ko ang istorya tungkol sa pagkikita ng grupo ng PUPconnect nung isang linggo. dated “September 2, 2006”

sisimulan ko na ang kwento. itong pagkikita na ito ay isang aksidente. biglaan ika nga nila. nagsimula ito sa isang teks mula kay randy. sabi niya “nasa megamall si cess at trish wala na daw pamasahe pauwi, punta tayo.” ang sinagot ko naman ay “wala akong ibibigay sa kanila, gabi na eh saka baka traffic pero punta ko. bahala na.” at nagtuloy tuloy ang teks hanggang sa naligo na ako at nakabihis na. tinatanong ko si randy kung tuloy pa ba. pack-up na daw sila. aantayin lang umalis ang (hindi ko na matandaan) at sisibat na daw siya. ako naman paalis na. tineks ko ang aking mommy. nung paalis na ako, biglang dumating si mommy at tinanong ako kung “gusto mo bang ayusin yang buhok mo?” sabi ko “bahala ka na.” at sinabi sa aki ng mommy ko na magtricycle na lang ako. kaya sinabi ko “hatid mo ko hanggang sakayan. :D” dahil mejo umuulan na, nakapayong kami at sinakay na niya ako hanggang pateros.
Pag-dating ko sa pateros (well technically makati na siya.) at umuulan ulan pa. pag-baba ko sa mercury drug lakad-lakad ako. tanong ako sa mama “san po ba yung sakayan dito ng FX papuntang megamall?” ang sambit ng mama ay “doon sa kabilang kalsada” at nagpasalamat ako sa kanya. kaya dali-dali akong tumawid papunta sa mercury drug at pumunta sa sinabi ng mama ngunit walang nakapilang FX o kung ano pa man. kaya nagtanong ako ulit. dun naman sa washing boy. “kuya saan po ba yung sakayan dito papuntan megamall?” kanyang sagot ay “wala ng pumipila dito, tingin ka na lang sa kabilang kalsada ng dumadaan, pero hindi ko sigurado kung meron pang dadaan.” sa isip isip ko “nako umuwi na lang kaya ako?” kaya nagpasalamat ulit ako at tumawid at maswerte naman ako at my FX na dumaan. hindi ito puno. dali-dali akong sumakay. at nagpuntang megamall. Habang nakasakay ako sa FX ay biglang may nagtext sa akin, Si ate darla pala ito. at tinatanong ako kung ako ba daw ay pupunta sa megamall. at aking nasagot ay “opo” lamang.

Sa susunod na lamang ang Part 2 ng aking kwento.

Abangan. hehe.