Archive for Enero, 2007

h1

wala akong maisip na naman.

Enero 23, 2007

wala lang. naisip ko lang magblog ulit ng panibagong entry. Bakit? wala lang din.

pero naisip ko. bakit ang hilig ko sa mga rocksymphony (yan ba tawag dun? yung mga orchestra na may kasamang mga banda etc.) na mga genre ng music. dahil ba yun na talaga ang gusto ko?

h1

pista ng nazareno, ano ka ba talaga? (naisip ko lang #1)

Enero 10, 2007

kahapon/kagabi, pinapanood ko yung coverage noong pista ng nazareno.

Bakit sila nag hihilaahan pababa. nagtutulakan. nagaagawan, para lang makalapit, mahawakan yung santo. bakit hindi ba nila pwede gawin yun ng ibang araw? merong 365 (ewan kung alin diyan. yung leap year o wala) naman sa isang taon. minus yung araw ng pista. na pwede nilang puntahan iyon. hindi ba pupwede yun?

napansin ko pa. parang pinapakita ng pistang ito ang nagaganap sa ating bansa. para silang mga talangka. nagtutulakan pa baba. o “crab mentality” kung tawagin nila. naisip ko lang. (maaring magaling ang mga religiong crap sa aking mga sinasabi ngunit, ito ang nakikita ko)

hindi ko lang lubos maisip, kung ito ay talagang relihiyoso o kung ano. saan ka makakaita ng isang religious feast na kung saan nag aagawan ang mga tao. halos magpatayan na para makalapit sa isang santo. hindi ba ito pwedeng gawin sa isang orderly manner? ayan. bumabalik na naman tayo sa issue ng crab mentality.

tapos meron pang isa doon sa quirino grandstand. yung hindi pinapapasok ang mga tao. hind ba talaga tayo marunong sumunod sa mga simpleng rules? nilagyan ng ng bakod para hindi makadaan. tapos nilakdangan niyo? anong klase ba talaga tayong mga pilipino?

teka titigilan ko na ito, paulit-ulit na ang sinasabi ko. hanggang dito na lang siguro

h1

a day (este a few hours) in Los Baños, Laguna

Enero 4, 2007

bago ko simulan ang lahat, WALA AKONG CAMERA. kaya nalungkot din ako.

Bakit ako napunta doon? sumama lang ako, kasi titignan yung pagkakasalan dun sa BF ng ate ko. (oops teka lang, wag munang magreact, best friend po yun. na babae.)

<

>Nagsimula ang araw gabi ko ng mga 11 p, sa dahilang maaga umaga, na akong nakatulog. So naglalaro na lang ako, internet, surf, lamon, etc. balak kong matulog ng 3 am pero sa hindi malamang dahilan, hehe. kaya ayun. noong 5:30 na naligo na ako. 6 am daw ang usapan, sa may shell sa SLEX south bound. pagadatin doon ay wala pa sila (maaga kaming nakarating, tandaan nasa taguig lamang kami.) kaya chumicha muna sila. ako aykaagad na dumampot ng doritos (na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakain) at isang order ng siomai sa katabing hen lin. mga alas-sais yun. sakto namang pagdating nila ay tapos na kaming kumain kaya kami ay lumakad na. may binigyan sa aming mapa. testing daw kung hindi kami maliligaw (ginawa pa kaming guinea pig?) hehe mabuti naman at detalyado ang mapa at hindi kami nawala. >ayun, nagpunta kami sa brickhouse, at isang simbaham sa loob ng national arts blah blah sa loob ng UPLB. ang simbahan na ito ay hindi isang parish church. (o kung yun man ang tawag doon) para lang talaga itong kasama sa nature. bato ang upuan at kung anu ano pa. at dumaan din kami sa “magnetic hill” hehe. hindi ko ito naexperience ng mabuti sa dahilang nakalimutan ko na.

at dito na muna sa ngayon. inaantok na ko.