Archive for Marso, 2012

h1

Marso na naman pala pt. 2

Marso 30, 2012

Since wala akong maisip na title, yan na lang ulit.

So, ano ang i-dadaldal ko ngayong gabi na ito? simple lang, yung mga kumakalat na hindi pinayagang umakyat ng entablado ang ilang mga mag-aaral para sa kanilang pagtatapos.

Kaya aking uumpisahan muna ito sa isang paglalahad na:

Una: Hindi na talaga ako nanonood ng balita ngayon, nagkataon lang na aksidente kong narinig ito kasi nasa labas ako.
Ikalawa: hindi ko narasang umakyat ng entablado sa pagtatapos ng Highschool
Ikatlo: Noong ako ay nagtapos para sa Elementarya may mga walong taon na ang nakalilipas, hindi ba gaanong sikat ang mga Social networking sites. ngunit mayroon na ring friendster, myspace at kung anu ano pa. At higit na mas kaunti pa noon ang mga manloloko sa internet.

At bungad niyan, simulan na natin. Sa katunayan, nung marinig ko ang balita na ito, ang unang pumasok sa isip ko ay pagkamangha, pagkagulat, at ng aking marinig kung anong klaseng eskwelahan at kung ano ang dahilan, biglang may isang pintuang puno ng liwanag ang nagbukas sa aking isipan ang nasabi ko na lang ay “Iba na pala talaga ngayon.”

Una sa lahat, isang pangkatolikong eskwelahan ang mga nasabing paaralan, kaya talagang inaasahan na sila ay nababalot ng pagiging banal, moral (kung ano man ang ibig sabihin niyang salita na yan sa iyo),  at nababalot ng kabutihan sa kasamaan palad, ito ay isang lumang kaisipan na, hindi na natin pwedeng ipasok sa isang molde at bawat tao ngayon lalo na ang mga “kabataan” at asahang lahat sila ay magiging parepareho. Sa tingin ko, yan ang isang kahinaan sa pagiisip ng nakararami satin, ngunit ibang usapin na yan.

at ang dahilan ng kung bakit hindi pinayan ang mga mag-aaral? dahil sa mga nakita umanong litrato sa Facebook, na gumagawa ng hindi ka-ayaaya sa paningin ng mga madre at pare ng kanilang eskwelahan. yung isa ay mga lalaking naghahalikan, at yung sa isa pa naman ay mga babaeng nagiinuman at kung ano pa man.

Iba na pala talaga ngayon, noong panahon ko, wala namang nababalita na ganyan, hindi naman kasi ganoong kasikat pa ang mga Facebook na yan, mas kaunti pa rin siguro ang may digital camera, o cellphone na may camera at kung may ginawa man o gagawin pa lang, sa mga email group/yahoo groups lang ito mapupunta o kung hindi naman ay sa kanilang mga sarili lang. naisip ko lang, nagaaral kayo sa isang katolikong eskwelahan, at gagawa kayo ng mga bagay na hindi niyo naman kayang panindigan, at ngayong nahuli kayo, ay iiyak kayo. hindi ba’t kasalanan niyo rin naman ito?

Hindi ko sinasabing mali ang mga ginawa niyo, wala akong karapatang sabihin yan, dahil kayo lang sa sarili niyo ang makakapag sabi kung ano ang tama, walang ibang pwedeng mag dikta niyan sa inyo, at karapatan niyong gawin ang inyong ninanais. ang sinasabi ko lang, hindi kayo naging maingat sa mga kinilos niyo. sa totoo lang wala akong paki-alam diyan, mas gusto kong malaman kung ano ang inyong iniisip ng nilabas niyo ang mga nasabing litrato.

Para ba ito ipagmalaki at kayo ay mga “cool”? dahil wala lang? gusto niyong asarin ang mga guro niyo? hindi ko alam.

Kaya tama talaga ang sinabi ng GMA tungkol dito, “Think before you click”, “Magisip, bago i-click”.

At para sa eskwelahan naman, hindi ko sila masisisi, pribadong paaralan sila, at karapatan nila yun, wala namang sinabi sa batas na isang kaso ang pagbawalan ang isang bata na umakyat sa entablado para sa kanilang pagtatapos, kaya pwede nilang gawin yun, ngunit ito nga ba talaga ang tamang “parusa” para sa mga magaaral na ito? hindi ko rin alam ang sagot, maaring gusto lang nilang makaganti dahil nga sila ay mga banal at wala na silang ibang magagawa dahil hindi naman nila pwedeng ipitin ang mga report card ng mga batang ito dahil yun ang kaso. hindi ko rin alam.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung ano ba ang meron sa pagakyat sa entablado para sa kanilang pagtatapos. para sa akin, ito ay isa lamang paraan ng tao para masabi sa kapwa tao niyan na “mas magaling ako sa inyo”, o “mas maayos kami sa inyo dahil may napagtapos kaming anak.” ito ba talaga ang dahilan kung bakit pinagaaral ang mga bata? hindi ba mas importante na nakapagtapos sila at yun na yun? marahil, ganyan ang aking pananaw dahil hindi naman ako magulang at hindi rin ako nakapagtapos.

So hanggang dito na lang, napahaba na naman at hindi ko rin alam kung maayos ang pagkakasunod sunod ng mga sinabi ko dito.

P.S.
nakita ko na yung mga babae daw ay nakakuha ng T.R.O. sa isang korte para payagan silang umakyat sa entablado,  buti na lang may pera sila pambayad sa korte. yung mga lalaki naman sa ibang eskwelahan, hindi ko alam.

Update:
Pampublikong opisyal pala ang isa sa mga ama ng grupo ng mga babae, kaya pala hindi na nakakapagtaka na agad silang nakakuha ng TRO mula sa korte, it’s more fun in the philippines nga talaga.

Advertisements
h1

Marso na naman pala…

Marso 17, 2012

ibig sabihin clearance season na naman sa mga nagaaral sa elementarya at high school. as usual, naalala ko na naman ang elementary days ko kung saan laging ayaw pirmahan ng aking mga (take note, hindi lang isa yan) guro ang clearance paper ko, hindi dahil sa wala akong proyekto o kung ano pa man, wala kasi akong “notes” o tala. yung mga mahahabang sulatin sa kwaderno na kahit isang beses ay hindi ko naman naalala na aking binasa o tinignan man lang pagkatapos mangawit ng aking kamay kakasulat.

ngayon, mahigit isang dekada matapos iyon, mula noon, hanggang ngayon. isa lang ang nasa isip ko. kung tapos na naman ang semsetre ng pagaaral sa taon na iyon, saan ko pa gagamitin ang mga naturang tala? bakit kelangan ko pang isulat ang mga wala ng kabuluhan na mga tala na iyon na hindi ko naman na magagamit pa?

wala lang, naalala ko lang bigla. tapos nakita ko pa tong litrato na to. Image

Note: this was originally posted as FB note just reposting it here since I’ve already privatized all that old blog post.

h1

And there you go.

Marso 16, 2012

Decided to privatize majority of my blog entries from 2008 below because seriously, I can’t believe I even wrote those stuff. looking at it now I can almost laugh at how absurd I was those days. Not much has really changed from that time, it’s just that maybe age does affect one’s thinking.

And I have to admit most of those are just teenage angst anyway. Thinking about it, I suddenly realized I am not a teenager anymore. I hope time would not be harsh to me.

P.S.
Wordpress, seriously? a reblog feature? oh come on.