h1

Ang Pagtatapos, at iba pa.

Disyembre 20, 2012

Apparently, magugunaw na daw ang mundo sa 21 (that’s around 1 hour 30 minutes from now habang sinusulat ko tong part na to.) kaya siguro di ko na rin kelangan pang mag lagay ng title dahil bukod sa wala akong maisip, baka wala na ring point. I mean, end of the world na nga eh.

Ironically though, madaming factors ang nakakalimutan ng mga naniniwala dito, una sa lahat. Anong timezone ang dapat sundin?

Tandaan natin na ang standard time ngayon sa buong mundo ay ang Greenwich Meridian Time. Ibig sabihin yun ang Zero. dun nangagaling yung oras. so dito sa pilipinas, GMT + 8 tayo, so walong oras ang una natin sa 0, sa maya naman mga siguro nasa GMT – 4 or something sila (not sure) hindi ba dapat yun ang zero time?  ewan sana naipaliwanag ko ng maayos.

and lastly (and the bombshell), Ironically, hindi naniniwala sa “apokalipsis” ang mga maya. ito ay isang kristyanong konsepto. akalain mo yun? sila na tinatawag ng ibang mga tao na mga heretiko, mga masasama, demonyo, at kung anu ano pa ang mga taong nainiwala sa buhay samantalang… well ibang topic na yan.

The point is, end of the world? it’s all in your head, nilagay malamang sa utak mo ng relihiyong pinaniniwalaan mo.😛

anong point ko sa mga sinabi ko na yan? actually ang idea talaga eh maikling pasada lang sa mga una kong sinabi tapos pupunta na ko sa panglawang paksa ko pero napahaba pero yan na eh.

Kaya papasok na ko sa ikalawang paksa ko, isa pang “kristyanong” konsepto. ang pasko. bakit nga ba pasko ang filipino ng christmas? bakit hindi krisko or something. pero di talaga yan ang gusto kong pagusapan.

ang gusto ko talagang pagusapan? caroling.
bilang nakatira ako sa isang low-middle class barangay. tuwing sasapit ang kapasukuhan gabi gabi ay meron ng mga nangangaroling na mga bata. (pero infairness ngayong taon na to, hindi ko namalayan na as in malapit na palang mag 25, nung mga nakakaraan kasi, nobyembre pa lang nagsisimula na sila.)

kung iisipin mo sa perspektibong ang basehan mo lang eh yung salitang caroling, wala namang masama doon eh. hindi ba?

pero ano ang iisipin mo kung gabi gabi na lang may nangangaroling kang maririnig at makikita mong sila at sila yung nangangaroling?

ano ang iisipin mo kung gabi gabi na lang may nangangaroling kang maririnig at makikita na iisang lang ang kinakanta nilang lahat? (Sa may bahay….)

ano ang iisipin mo kung gabi gabi na lang may nangangaroling kang maririnig at makikitang mga bata na nangangaroling na parang negosyo na lang ito?

at ang pinakaimportante sa lahat, ano nga ba ang saysay ng mga pinagsasasabi ko na yan? ah ewan.

P.S.
in the end may naisip rin akong title. kakatamad lang mag edit🙂

Disclosure:
I’m in the point na hindi na ko naniniwala sa Simbahan at all (well, I never really believed them in the first place), and maybe even…. but perhaps I still do believe in a supreme being. (that’s what I usually say when asked, without the “even.. ” and “but perhaps” eheh.)

2 mga puna

  1. hello, Snake… ahaha, nag-post rin ang isang bata, salamat.🙂 at kailangan talaga, may end note bago magtapos ang mundo? ahihi.

    hala pa, matagal nang nagtapos ang mundo, ahehe. and yet, it does persist, kainaman na…^^

    Maligayang Pasko sa iyo, kapatid at sa mga mahal mo sa buhay.🙂
    ~ Ate San



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: