Archive for Mayo, 2011

h1

Ang Pakikipag Debate ay naiiba sa Ordinaryong Troll.

Mayo 17, 2011

Ngayong araw na ito, wala akong balak na gumawa ng blog entry. Ngunit nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay condorhero na may nagaganap daw ngayong interpellation tunkol sa kontrobersyal na House Bill 4244 o mas kilala bilang RH bill. Ako naman ay agad-agad na nabukas ng telebisyon upang mapanood ang nagaganap na debate. At aking nakita ang dalawang kongresista na nagpapalitan ng diskurso at kanilang mga opinyon. ngunit etong si kongressman amado bagatsing ay natawag ang aking pansin, at ang naging dahilan na rin nag pagawa ko ng sulat na ito. noong una ay medyo naaliw pa ako sa palitan ng dalawang kongresista ngunit sa kalaunan ay lumabas na rin ang medyo kahinaan ng pag rerebyu niya. sa maikling pananalita, hindi niya ginawa ang kaniyang takdang aralin.

At gayon nga ay unti-unti ng lumabas ang sabaw niyang mga argumento at pananalita. katulad ng:

“bakit universal? anong pakialam natin sa universe?”*
“Bakit mo tuturuan ng sex education ang mga Grade 4 gayong ang alam lang nila ay ang maglaro ng piko”*
“2000 years na ang katolisismo. Christianity is 3400 years old. State is only 113 years old. Tell me, sino ang nakikialam?”*

na kung susuriing mabuti ay masasabi nating hindi masyadong pinagisipan ng maayos. sa katunayan nung narinig ko na sinabi niya yan ay mga masasamang salita lamang ang nabigkas ng aking makasalanang bibig.

Ngayon, medyo naasar na sa mga walang basehan niyang mga pinagsasasabi, sinubukan kong hanapan ng dahilan kung bakit ganoon ang kaniyang pananalita at pagiisip. kaya naisipan kong i-google siya. at doon nga nakita ko na siya pala ay ang chariman ng House Committee on Games and Amusements. noong aking malaman iyon, nakitaan ko na ng dahilan ang kaniyang mga pananalita at pagiisip. hindi na ko nagtaka kung bakit siya ay isang payaso. sinubukan ko pang bigyan siya ng pagkakataon, hanggang sa napagod na ang aking utak sa pag proseso sa kaniyang mga paulit ulit na argumentong walang laman at nagdesisyon na lamang patayin ang telebisyon at isulat ang blog entry na ito. sa huli, napagtanto ko na siya ay isang troll. at nagdesisyon na lang magpatugtog ng ilang musika ng The Doors para ako naman ay lumigaya at makalimutan ang pagpapahirap na nagawa sa akin ng pagpanood sa “parang” debate na yun ng ilang minuto.

At dito nagtatapos ang aking medyo mahabang sulatin.

*rephrased na po ito mga kapatid, maaring iba sa konteksto ng kaniyang sinasabi, ngunit. in the end para sa akin. bobo pa rin siya.

P.S.
Kahit ayoko sa pagmumukha ni Rep. Lagman, infairness to him ginawa niya ang kaniyang takdang aralin.

Para naman kay Rep. Amado Bagatsing, hindi ko alam kung ano ang layunin mo sa iyong grandstanding ngunit sana naman next time, mag saliksik naman tayong mabuti ng hindi ka naman mag mukhang bobo at tanga sa harap ng nakararaming tao. (o sa akin lang pala siguro)

P.P.S

sa iba pang mga Anti. sana naman po eh stick to the topic na lang tayo. hindi po kung anu anong palabok pa ang ating sinasabi na wala namang kinalaman sa usapin, tigilan na rin po sana natin ang mga below the belt na pasakalye at hirit dahil mas lalo lang po kayong nagmumukang talunan sa mga nakararami. (ako po ay humihingi ng tawad sa palabok at kalye na nadamay pa sa usapin na ito)

h1

Justin who? A Public Service Announcenment?

Mayo 11, 2011

Ang akin pong tatalakayin para sa araw na ito, ay ang katatapos lang na konsyerto ni J na medyo hinype ng TV5. (or baka kasi madalas yun na lang ang pinapanood kong news cast kaya ko nasabi ito.) (hindi ko na rin po ilalagay ang buong pangalan para hindi na ito lumabas sa mga search engine at maka attract pa ng mga fans niya at baka mapasama ako ng di oras, pero sigurado naman ako na alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko.)

Akin pong ilalatag ay ang naisip kong dahilan kung bakit hindi dapat siya panoorin ng live sa concert, paki basa lang pong mabuti, panoorin ng live po mga kaibigan, hindi ko sasabihin na pangit boses niya or walang kwenta ang mga kanta niya, o mayabang siya or something. dahil ako po ay naniniwalang wala akong karapatang sabihin yun, first of all hindi ko siya kilala, at wala pa akong naririnig na kanta niya na buo kahit isa.

Ngayon po sana ay nagkaliwanagan na tayo, sisimulan ko na po. sa totoo lang, ako ay iikot lamang sa usapin ng seguridad. Himayin po nating mabuti, isang pampublikong konsyerto, na pinagkakaguluhan ng mga babae o parang babae, mula teens hanggang sa mga malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad, and beyond.

Tignan po nating mabuti, napakalaki ng chansa na magkaroon ng stalker or even serial rapist/killer na pwedeng humalo sa pagpanood ng concert at doon maghanap ng kaniyang bibiktimahin, madaming pagpipilian ika nga. eh nauuso pa ang mga haters nung naturang singer na yun, eh pano kung may isang hater na may saltik sa utak tapos gusto niya marape and/or mapatay ang lahat ng “magandang” teenager fans nung singer? hindi po malayong mangyari yun. yari na. kaya mga magulang, kung inyo pong pinapahalagahan ang kaligtasan ng inyong anak, hayan niyo na lang pong magpakalunod sa paulit ulit na video, mga litrato at kung anu ano pang mga paraphernalia ang inyong mga anak at wag na itong hayaang ma expose pa sa mga masasamang loob, not unless siguro kung may “VIP” pass ka at hindi ka makikita ng karamihan, pero baka nga mas delikado pa yun dahil prone na yun sa iba pang kaso ngunit ibang usapin na yun.

Kaya ayan po, sa hinaba-haba ng aking mga pinagsasasabi isang punto lang po ang aking nasabi. Magandang gabi po sa inyong lahat.

h1

Addiction/Adiksyon/Adicción

Mayo 1, 2011

Full Disclosure: Wala akong alam sa mga Arts. aaminin ko, karamihan dito hindi ko naiintindihan. yun lang.

Nitong mga nakakaraang araw, umatake na naman ang aking adiksyon. Nagsimula ang lahat ng ito sa isang post sa Facebook ng isang kaibigan. siyempre, natuwa ako dito kaya nga bino-blog ko ngayon eh di ba? Ito pala ay isang entrante sa isang “film fest” sa bansang españa.

eto ang naturang video na naka upload sa youtube.

Ang unang pumasok sa aking isipan ay ganito, “mahigit tatlong daang taon tayong nasakop ng mga español. alam ko na kung san nagaling ang mga pag uugali ng mga nasa gobyerno dito sa atin.” pero alam naman natin na malamang eh hindi lang ito sa pilipinas o sa españa, ngunit nangyayari din ito kung saan merong “pagkakaiba” ng kapangyarihan o kung ano pa man ang tawag doon.
Tignan mo rin ang kaniyang mga mata, nakakabighani… ngunit yun ay ibang usapan na.

At, dito nga nag simula ang aking adiksyon na tumagal ng mahigit kumulang sa tatlong araw. wala akong ibang ginawa kundi panoorin ang mga short film sa naturang film festival na kung tawagin ay “notodo film festival” kung ano man ang ibig sabihin niyan, ay hindi ko na alam.

dahil diyan, sa aking palagay ay dalawang araw ko rin binuwiset ang mga nakakakita ng pader ko sa facebook dahil halos ma spam ko na ng mga bidyo ang aking pader. at dahil gusto ko pang i-eksplika ang aking mga nararamdaman sa mga ilang maikling pelikula na ito at siyempre gusto ko na ring ibahagi ang ilan sa mga ito kaya mo nababasa sulat na ito.

Ngunit ito ay naging mahaba na, kaya sa susunod na mga araw ko na lang i-post ang mga naturang maikling pelikula.