Archive for Hunyo, 2011

h1

Divorce sa Pilipinas. Bakit hindi?

Hunyo 1, 2011

So as usual, nakiki-alam na naman ang CBCP. In the end, it all boils down to how you see marriage. is it “religious” or is it “social”? (di ako makaisip ng better term than social.) And me, being na hindi naniniwala o bilib sa relihiyon. You should have already gotten my drift right?

Kaya binasa ko ang naturang panukalang batas sa URL na ito: House Bill 1799 at sa aking opinyon, konserbatibo pa nga ang batas na ito. Meron lamang limang grounds upang makapag pa divorce ka, at hindi pa kasama dito ang pananakit at pang aabuso (yun naman ay grounds para sa legal separation). at hindi pa rin pwede yung magpipirmahan lang kayong dalawa para makapag pa diborsyo kung hindi pasok sa limang grounds na yun, Kaya ano na naman ang problema ng Simbahang Katoliko? Saka isa pa, sa aking pagkaka alam. meron namang hiwalay na “annulment” ang simbahan. so ayun, eh di wag nilang ikasal ulit sa simbahan nila yung mga makikipag divorce.

Let me quote the Congressman from Albay kahit hindi ko siya gusto. “You cannot make church dogma into law.” (take note na malamang hindi ganyan ang eksaktong pagkakasabi niya pero sigurado naman ako na ganyan ang ibig niyang sabihin)

So again, ano ang issue? dapat naman wala eh. kasi in the first place hindi naman dapat talaga nakikialam ang mga pari eh.  saka isa pa, sa ating mga muslim na kapatid, pwede silang makipag divorce, so bakit tayo hindi? dahil sa simbahang katoliko? eh pano naman yung mga hindi muslim pero hindi rin katoliko?

At dahil sa mga pinagsasasabi ko, isasara ko na lang ang sulat na ito sa pagsabi ng

Kung hindi ka sang-ayon sa divorce bill, malamang ikaw ay:
1. isang abugado o hukom at mababawasan ang iyong kita. dahil aminin na natin nagiging paraan rin ito ng red tape.
2. isa kang religious zealot na moralista.
3. sadyang masokista ka lang.

So ayun, magandang gabi sa inyong lahat.

P.S.
Inyo pong pagpasensyahan ang gulo-gulo kong sulat sa gabi na ito.

Advertisements