Archive for Disyembre, 2006

h1

tagged.com, ano ka ba?

Disyembre 22, 2006

nung una, hindi ko talaga mawari kung ano ang site na ito. una akong pinadalan ng invitation nung isang kaklase ko dating babae. (sino siya? wala ka ng pakialam dun, kung sa bagay ako rin walang pakialam hehehe :D) hindi ko ito pinansin nung una.

at may pangalawang nagpadala sa akin ng invitation. hindi ko na matandaan, sinubukan ko ngayong mag member. eh ang daming cheche bureche. kaya nainis ako. at madami pang invitation ang dumating. hindi ko na lang pinapansin. matagal na yun mga 5 months ago na ata yung mga yun. biglang kanina. nagpadala. ang ate ko. kaya nag try akong mag register.

pagkaregister ko. ayun. hehehe kagulo na. wala lang akong ma blog. hehe 😀

eto nga pala yung link nung sa tagged ko hehehe 😀 http://www.tagged.com/nyvremzurc

Advertisements
h1

mga dibidi.

Disyembre 21, 2006

hahah, nung EB ng peyupi last saturday. napunta ako sa shaw blvd. yun kasi ang nasakyan kong jeep. kaya ayun. hehe. anyway, habang naglalakad papunta sa mrt station. napalingon ako sa kanan ko. (sa kaliwa ang hagdan papunta sa mrt station). may nakita ako. “house” na dibidi. aba! ayos ito. binili ko kaagad ito. at two days ago naman ako ay nasa glorietta. at bumili ng supposedly CD+DVD ng album ni michael v. ngunit ngayon ko lang napansin. pareho itong DVD. paano kaya ito. anyway. bukas na lang. inaantok na ko. 😀

h1

peyupi EB

Disyembre 18, 2006

magaling, magaling, magaling.

nag enjoy naman ako kahit papaano nung EB. pero hindi gaano. paano ba naman kasi. hikain ba naman daw ako. at sino ang matutuwa na magantay ng apat na oras? at dahil nga sa pagaantay. napabili ako ng blizzard oreo. at nakalimutan ko na hindi na ako gagamit ng inhaler ang kapalit ay bawal ang chocolate, at madami pang iba. (ok na rin yun, mahal ang inhaler.) pero dahil nga sa pagkainip. eh napakain ako ng blizzard. at oreo pa napalagay ko.

Nag dadalawang isip pa ako noon kung pupunta talaga ako o hindi. iniisip ko. malayo ang age gap. at baka hindi nila ko masakyan at ibalibat na lang sa ilog sa marikina. kaya sabi ko. pag hindi sumama si kuya kons. hindi na rin ako sumama. hahaha. ang sabi pa niya sa akin mag papa “late” siya.

ginawa pa akong espiya. TNT daw siya sa gateway. hahaha

ewan. bahala na sa susunod. malaman.

h1

Eto na.

Disyembre 4, 2006

Eto na ang alin? (well alam ko naman na wala akong masyadong readers.) tagal na. wala kasi akong tagboard. eto na may tagboard na ko, kaso hindi pwedeng i-embed dito sa site. so may link siya.

ang link niya ay: http://nyvremzurc.cbox.ws

punta na lang kayo diyan kung gusto niyong mag-iwan ng kung ano.