h1

pista ng nazareno, ano ka ba talaga? (naisip ko lang #1)

Enero 10, 2007

kahapon/kagabi, pinapanood ko yung coverage noong pista ng nazareno.

Bakit sila nag hihilaahan pababa. nagtutulakan. nagaagawan, para lang makalapit, mahawakan yung santo. bakit hindi ba nila pwede gawin yun ng ibang araw? merong 365 (ewan kung alin diyan. yung leap year o wala) naman sa isang taon. minus yung araw ng pista. na pwede nilang puntahan iyon. hindi ba pupwede yun?

napansin ko pa. parang pinapakita ng pistang ito ang nagaganap sa ating bansa. para silang mga talangka. nagtutulakan pa baba. o “crab mentality” kung tawagin nila. naisip ko lang. (maaring magaling ang mga religiong crap sa aking mga sinasabi ngunit, ito ang nakikita ko)

hindi ko lang lubos maisip, kung ito ay talagang relihiyoso o kung ano. saan ka makakaita ng isang religious feast na kung saan nag aagawan ang mga tao. halos magpatayan na para makalapit sa isang santo. hindi ba ito pwedeng gawin sa isang orderly manner? ayan. bumabalik na naman tayo sa issue ng crab mentality.

tapos meron pang isa doon sa quirino grandstand. yung hindi pinapapasok ang mga tao. hind ba talaga tayo marunong sumunod sa mga simpleng rules? nilagyan ng ng bakod para hindi makadaan. tapos nilakdangan niyo? anong klase ba talaga tayong mga pilipino?

teka titigilan ko na ito, paulit-ulit na ang sinasabi ko. hanggang dito na lang siguro

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: