h1

Dee Dee Ess

Setyembre 28, 2016

Sa totoo lang nung eleksyon ko pa iniisip to, simula nung marinig ko na ang supposed meaning daw ng Delta Delta Sierra eh Diehard Dee Sup.. alam niyo na yan di ko na bubuin. Ngunit alam naman talaga natin ang ibig sabihin nun sa konteksto ng ating bansa lalo na sa lugar na pinangalingan niya.

Pero ano ba talaga ang gusto kong sabihin? di ko alam, kaya magpapalabok muna ko. Hindi niyo naitatanong, eh tuwang-tuwa ako sa ideya nung nobela ni George Orwell na Nineteen-Eighty Four. hindi ko pa nababasa ang nobela mismo, ngunit marami na akong nabasang wikipedia page at kung anu-ano pang konsepto na napapaloob sa nobelang nabanggit.

At isa sa mga konseptong ito na talagang nai-ugnay ko patungkol dito ay ang “2+2=5”. Halos magkatulad, pero sa tingin ko po ay iba ito doon sa nakita ko dating “1+1=3 God is with us” na nakita ko sa mga binebentang healing oil umano pero napalayo na po ako sa aking paksa.

Babalik ako, marahil ay iniisip niyo. “ha? pano magiging 5 yan?” ngunit hindi yun ang mahalaga. ang mahalaga ay kung ano ang iyong iniisip na totoo/tama maski ano pa man ang katunayang iyong hinaharap sa kasalukuyan. maraming bagay ang makaka apekto dito, depende sa iyong kinalakihan na lugar, mga kasamang tao o ano pa.

Dito na rin pumapasok ang bida sa nasabing nobela noong inisip niya na “Pag lahat ba ng tao ay naniniwala sa isang bagay (at sa kontekstong ito, ang “2+2=5″), magiging totoo ba ito?”

Kaya ako ay babalik na sa Dee Dee Ess, alam naman po nating lahat na hindi maganda ang kahulugan ng mga katagang iyan, ngunit noong eleksyon pa lamang ay meron ng pagkilos para ito ay mabago at mukha namang nagtagumpay ang grupong pang social media nila.

At ang pinaka naging dahilan ng aking pag tipa sa pader ng salita na ito ay ang isang talumpati ng isang senador patungkol umano sa mga kapwa senador niyang Dee Dee Ess na “nagpapagulo” umano sa ating bansa. lalong lalo na ito ay pagkatapos ng isang testimonya umano ng isang miyembro ng Dee Dee Ess na yan… ngunit anong Dee Dee Ess nga ba?

Naalala ko dito ang isang sipi(maraming salamat google) na ginamit ng isang tumakbong presidente ng ating bansa, na sinabi umano ng isang tauhan ni hitler dati. (take note, inalis ko yung patungkol sa kasinungalingan para ito ay maging mas angkop sa malawak na bagay)

“pag pina ulit ulit mo ang isang bagay, sa katagalan ay magiging totoo na ito.” at marahil nga ay, pag dating ng tamang panahon, tayong lahat ay Dee Dee Ess na. Ito ba yung sumasamba, yung tirador, o pareho? o baka isang bagong anyo ang lalabas pag tuluyan ng nagsanib ang dalawang anyo nito, lalo na at isasama mo pa ang iba’t ibang anyo na pinapalutang ng kaniyang mga ka-alyado.

Pero hindi nga importante lahat ng yan. basta, manalig ka na lang. at pag sinabing iyon yun, yun na yun. bawal mag-isip at wag ng magtanong dahil pag nagtanong ka pa, ipadala ka nila sa Room 101 o kung minalas malas eh direcho kay San Pedro.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: