h1

Patunay na ang mga mambabatas sa atin ay walang paninindigan.

Hulyo 19, 2012

Sa katunayan, hindi ko alam ang titulo na ilalagay ko dito. di ko rin alam kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. kaya simulan na lang natin dito.


at ito,

at ang pinaka paborito ko sa lahat.

Siguro sa nakararami ang nakikita nila dito ay ang “negatibong” aspeto ng mga bagay. pero para sakin, yung kabilang panig ang aking nakikita.

Sa sobrang passionate nila sa kanilang mga paniniwala handa nilang gawin ang lahat para lang maipasa o mapigilang ipasa ang mga batas. palibhasa kasi sa kanila, hindi uso ang balimbing. ang isang partido may paninindigan talaga at hindi napapanahon lang.

Kaya kung tutuusin mo talagang kalokohan lang ang mga political parties sa bansa natin eh. pero wag na nating ituloy diyan at baka bukas eh lumulutang na ko sa ilog pasig.

Ano ba tinutumbok ko? Simple lang, at nahagip na nung mga nauna kong sinabi. wala kasing paninindigan ang mga mambabatas sa atin, kung ano ang idikta ng mga makapangyarihan iyon ang gagawin nila. depende rin sa panahon.

Sa isang banda, naisip ko lang na medyo may kaplastikan rin kasi ang karamihan sa pilipinas. at mas kailangan mo yan pag nasa pwesto ka. pag kaharap, kamayan, beso. pero pag talikod saka binabanatan. minsan pinapapatay pa talaga.

So there you go, ironic lang dahil progresibo daw tayo. siguro nga, pero hindi pa tayo progresibo pag dating sa pagiisip. masyado pa kasing pinepersonal ang lahat sa atin sa lahat ng bagay.

5 mga puna

  1. maari rin naman pong likas sa mga Pinoy ang pagiging mahinahon. hello po.


    • Gusto ko sanang pabulaanan iyan, ngunit wala akong sapat na ebidensya kaya sasabihin ko na lang. “Siguro nga po.”🙂

      Gayun pa man, gusto ko lang idagdag na yang mga bansang yan ay mauunlad na bansa (South Korea, Taiwan). hindi ko sinasabi na kelangan ng ganyan para maging maunlad ang isang bansa, pero katulad ng aking binanggit, sa aking palagay eh sobrang lakas ng paninindigan nila sa mga batas na nililimbag upang magawa nila yun.

      Yun lang po, maraming salamat sa pagbisita sa aking blog. Hello din sayo.


      • ang totoo ako’y lubos na humahanga sa mga kaibigan nating Koreano, pagkat batid ninuman na naabot nila ang tunay na “KAUNLARAN”, ako’y isa sa naging saksi rito pagkat ako’y pinalad na makarating sa kanilang katutubong lupa, kahit sa sandaling pagkakataon lamang. nais ko rin ibahagi sa iyo na totoong sila (mga KOreans) ay mga palaban na tao at handang maghamon kanino man, akin mismo itong nasaksihan sa kanilang pang-araw-araw na pagharap sa kanilang buhay. ngunit sa kabilang banda, isa lamang ito sa kanilang personalidad, mas may namamayani pa na parte ng kanilang personalidad ang tila naghatid at patuloy na maghahatid sa kanilang bansa tungo sa Kaunlaran, ito ay ang pagiging “as in” sobrang disiplinado, lalo sa larangan ng siyensaya at teknolohiya. ang tila pagsunod sa isang simpleng alituntunin ay kanilang pinahahalagahan.

        at ang isa pa sa aking pakiwari na nakatutulong sa kanilang pag-unlad ay ang pag-aari nila ng isang wika, lubos nilang pinahahalagahan ang kanilang katutubong wika, kumpara sa atin na ang pangunahing wika natin ay salitang banyaga. nais kong ihandog ang isa kong katha sa iyo, hinihiling kong ito’y iyong mabasa at mabistayan, ikinalulugod kong nagdulot ito ng iba’t ibang kuro-kuro sa iba’t ibang tagasubaybay. narito po ang link para sa iyong madaliang pagsilip;

        http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/05/19/parang-ang-sarap-isipin/

        kung ang ating mga kaibigang Koreano ay nagawang umunlad ng nakasandig sa sarili nilang wika, bakit tayo’y mga Pinoy, nakasandal sa kung anong wika na ating ngayong pilit inuukilkil sa ating kultura. Hmmmm, tila isa itong hadlang sa malayang pag-unlad. Ito’y aking pakiwari lamang ha, na base sa aking mga naging karanasan.

        sa iyo “nyvremzurc”, ako’y nalulugod at natagpuan ko sa aking paglalakbay ang iyong tambayan, sa ngayon, isa lamang sa iyong paskil ang aking nasilip, ngunit umasa ka at ako’y magbabalik at bibisitang muli, at mag-iiwan ng mga puna, kung sakaling ang ang iyong paskil ay muling magpa-alab sa aking nagsusumidhing damdamin. salamats Solig Liquid Gas…..


      • Nako, binuksan mo ang usapin ng “regionalisation” haha, medyo may opinyon rin ako tungkol diyan, pero siguro hindi muna sa ngayon. hindi ko tanda kung nakapagsulat na ako ng tungkol diyan dati. isa pa hindi naman ako eksperto sa mga naturang usapin. (sa totoo lang, lahat ng sinusulat ko wala akong experience)

        Kaya sa madaling salita ako ay “nagmamarunong” lang. 😀

        gayon pa man, salamat sa pag dalaw. dahil ngayon lang ako nagkakaroon ng mga komento na hindi mga “kakilala” ko ang sumusulat.🙂


      • alam mo bang ang iyong pagmamarunong ay puno-puno ng punto de vista, ako’y nga ay lubos ding humahanga sa iyo, ako’y magbabalik ha, asahan.



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: