h1

Bakit nga ba maalat yung nilagang kamote?

Hunyo 19, 2012

Baka kasi nilagyan ng asin yung tubig, eh bakit nilagyan ng asin yung tubig? ayan ang hindi ko alam ang dahilan.

Pero simulan muna natin sa simula.

Kumakain ako ng maalat na kamote sa harap ng computer habang napatitig ako sa aking facebook account (na BTW, hindi pa rin nacoconvert sa “Timeline” kaya hindi ko pa iniiwan) at napatingin sa aking mga nilathalang mga bagay.

Napaisip ako, “ano nga ba ang saysay ng lahat ng ito?” sa kasamaang palad hindi ko alam ang kasagutan.

at dahil lubhang mahirap masagot ang bagay na yan, ang itatanong ko na lang eh, “Bakit maalat yung nilagang kamote?”

7 mga puna

  1. hello, snake,

    pambihira, halatang di nagluluto ang isang bata dyan at hamak at bihasang taga-kain lang, patatawarin. ^^ nilalagyan po ng konting asin ang kamote para kontrahin ang tamis and at the same time, to bring out more of its sweetness. haha, ironic ba? ganoon ‘yon…^^ ang tawag daw roon ay tang – konting kakaibang lasa para mas ma-appreciate ang lasang dominant. owki ba? ^_^

    ako pala si ate kim, hehe. salamat sa dalaw at sa comment. kumustasa?πŸ˜‰


    • Sa kasamaang palad, aaminin kong hindi ako nagluluto ng nilagang kamote. ngunit marunong naman akong magluto ng mga “normal” na pagkain kapag kinakailangan, lalong lalo na ang mga “pasta dishes”πŸ™‚

      medyo counter intuitive nga. parang yung paglalagay lang ng asin sa mansanas para hindi ito magkaroon ng kulay. para sa akin, mas gugustuhin ko pang may kulay ang mansanas kesa magkaroon ng konting alat.

      kanya kanyang panlasa lang po talaga siguro, at medyo sensitibo ang aking dila sa maalat. (na ironic din kung iisipin, dahil maalat magtimpla ang pamilyang aking kinalakihan.)

      Mabuti naman po ako, maraming salamat sa pagtatanong.πŸ™‚

      Edit:
      sa mga ilang araw na magkakasunod na may nilagang kamote dito sa aming tahanan, ngayon lang nangyari na may maalat akong nakain. kaya nagtaka rin ako, sa katunayan, natabunan nung alat ang tamis ng kamote kaya parang naging nilagang patatas na ito.πŸ™‚


      • ahaha, ang ganda ng kwento. at marunong magluto ng pasta, galing. ako, hindi masyado, mas pansit ang alam kong lutuin saka kamote, haha. ^^

        ay gets ko na, nagtatanong ka lang sa universe ba’t di okey ang lasa ng kinakain mo, ahihi. para raw di marami ang makain mow… biro lang.πŸ˜‰ glad to hear you’re ok and salamat sa dalaw, ha.πŸ™‚


    • haha yun pla ang dahilan. Salamat sa info kapatid :p


  2. ……mga bagay sa buhay na mahirap bigyan ng kasagutan .. hehhe

    minsan ang buhay mismo ay mahirap ding bigyan ng kasagutan.

    ano daw?? hehhe


    • baka nga po.πŸ™‚


      • baka, magka-edad lang kayo ni bagotilyo. or, mas ahead lang sya sa ‘yo ng konti… ‘bagay, pareho wari kayong makulit at matanong, ahaha. mga philosophical kayong mga bata na minsa’y convertible din yata sa pilosopo, ahihi… peace!πŸ˜‰



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: