h1

Pamasko sa KAbarangay ni Kapitan.

Disyembre 24, 2011

Babala at Paglalahad: Hindi ako rehistradong botante, kaya wag niyo pong sabihin na “pinupulitika” ko lang siya. isa pa, yung angkan namin ay kilalang kaalyado nila. Ito ay isa lamang opinyon base sa nakikita ng aking mga mata. (Yun eh kung mababasa ito ng nakaka-kilala sa akin at alam ang mga pinagsasasabi ko na ang tsansa ay halos wala, baka sakali lang naman.)

Pasko na naman pala, dole out season na naman ulit mula kina Congressman, Mayor, Kapitan, etc. isang umaga, nagkakape ang akin nanay ng nakakita siya ng mga taong may bitbit na plastic na dumadaan sa harapan ng aming bahay ng bigla niyang sabihin “ay! may tiket nga pala ako galing barangay…” at aking sinilip ang nasabing tiket at nakita ko nga ang mga katagang “Pamasko sa KAbarangay ni Kapitan”

Ang unang pumasok sa isip ko ay, “teka, ano to? para san to? bakit?” at unti-unti ng namuo ang mga ideya (o conspiracy theory kung gusto mo dahil aaminin kong mahilig ako diyan) kaya ito ay pinasuyo sa isang bata para kunin ang nasabing bagay. pag dating, ang nakita ko ay dalawang delata, dalawang noodles, at dalawang kilong bigas. siguro ngayon ay iniisip niyo na nagrereklamo ako kung bakit konti lang, pero hindi.

Sa katunayan, sa aking opinyon ito ay isang malaking kabobohan sa parte ng aming barangay.

tignan nating mabuti, magkano ba ang binigay? sabihin natin 50 pesos ang isang delata, 100 pesos, dagdag natin ang dalawang paketeng noodles na 10 pesos ang isa, 120, at dalawang kilong bigas, sabihin nating 30 pesos ang isang kilo, equals 60 + 120 = 180 pesos.

180 pesos sa isang ticket, at kung aking matatandaan, number 125 ang nasabing ticket. kung tama ang pagkaka alam ko, ang populasyon ng aming barangay ayon sa wikipedia ay humigit kumulang 5000. ipagpalagay natin na sa isang pamilya ay merong sampung tao. (karamihan sa aming lugar ay CDE socio-economic class)kaya 5000 divided by 10 = 500. 500 x 180 = 90,000 pesos

Biruin mo yun?! 90,000 pesos? para sa isang barangay na laging sinsabi na walang pera/pondo dahil kalaban nila si incumbent mayor sa pulitika. (which is totoo naman)

Ewan ko talaga kung anong klaseng lohika meron ang mga pilipino, lalo na ng mga taong nakaupo sa pwesto. mas marami sanang magandang pinuntahan yang 90,000 pesos na yan, sabihin nating isang co-op na maaring kumita ang barangay pati na ang mga nasasakupan nito. at least, lalago ang 90,000. hindi katulad nung pinang dole out, pagktapos ng isa o dalawang araw lang wala na.

at yan ang mangyayari, kung walang vision ang mga namumuno sa ating lugar. walang pupuntahan, ang problema naman sa mga tao, eh masyadong complacent. dahil “kakampi” ok lang na walang nangyayari, pag kalaban naman ang nagsalita “pinupulitika” kaya ito ang nangyayari. mas maganda pa siguro, bawat isang bahay sa pilipinas ay magiging sariling bansa niya. kasi ganun naman nangyayari eh, kanya kanya lahat ng tao. walang pagkakaisa, lahat ng tao sa paligid mo hindi mo mapagkatiwalaan.

malapit na pala akong mag 500 words sa mga walang ka kwenta kwentang pinagsasabi ko, kaya titigilan ko na.

P.S.
nung huling barangay election dito sa lugar namin, kahit na maging botante ako, wala akong iboboto. dahil lahat ng tumakbo dito sa amin sa aking palagay ay wala namang kakayahang gampanan ang kanilang mga trabaho.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: