h1

Food Critque gets Criticized by Me.

Mayo 16, 2008

Hahahaha, eto ay isang kwento ng isang “food” critque na nakita ko sa Lucban, Quezon Province last May 15, 2008

bakit ko siya na-criticize? kasi for some odd reason, may mali sa kanyang pinag-gagagawa. i don’t know if that’s just plain stupidity. or something. or should i say, misjudgment on his/her part.

Si randy habang nagaantay sa nagbubulang bibig na food critic na hindi naman nakipag coordinate sa kakainan niya.

ayan ang litrato ni randy, habang nag-aantay sa pila. sinabi ko na, bumalik muna kami sa aming inuupuan dahil medyo “matatagalan” pa bago maubos ang bula sa kanyang bibig. at totoo nga. almost 20 minutes siyang nasa counter. nagrereklamo. bakit daw wala yung ganoong pagkain. at sinabi niya na “taga-broadsheet ako sa manila, at ifefeature namin ang restaurant niyo” ayos, ni hindi alam nung crew kung anu-ano pinagsasabi niya. tinawagan na nung crew yung kanilang manager. (which is late…) then, yun nga. daldal ng daldal. bakit wala daw gravy, kung gusto daw nila eh siya na lang ang gagawa nung gravy blah blah blah. at nagtataka kami… one year na daw nilang pinaplano yun, ano yun one year in the making pero walang coordination? weird.

so, dahil nga sobrang tagal, naisipan na naming tumayo sa inuupuan namin at pumila ulet, at nagbabaka-sakaling tamaan naman ng hiya (kung meron man) si “critic”. ngunit unfortunately parang wala. anyways, nakapag-order na kami (after 30 minutes) then antay ng pagkain. may dumating na crew sa amin at binigyan kami ng plato at tinidor, etong si critic na nasa likod ng aming kinauupan eh nag sasalita na “miss, nauna po kaming umorder sa kanila.” ngunit sa kasamaang palad, malas niya. may order kaming pancit. at napahiya siya doon… sa totoo lang, habang nag anatay ng order di na namin mapigilan ang kakatawa ni randy dahil nga sa pagiging bopols ni critic. isang sentence lang niya ang nakitaan namin ng point the whole time. yung sinabi niya na “Don’t be fooled by the Architecture/Structure of a Restaurant” but still, bopols pa rin siya. sabi nga ni randy, “Di bale sana kung hindi ako taga-media, ok lang eh. hindi ko alam yan. kaso alam ko ang sistema diyan eh, hindi ka susugod ng walang bala” of which, is totoo naman. kaya nga naisip ko rin na baka ginagamit lang niya yung trabaho niya para makapaginarte doon sa store, buti na lamang at “kami” lang ang nagaantay sa pila, of which is naibalik namin sa kanya dahil pinagtatawanan namin siya all-the time sa upuan namin, (of which i think na naririnig nila)

Dagdag pa nga ni randy, nakakatuwang mabasa ang review nun sakali, dahil kasama kami doon. HAHAHA.
sayang lang at wala kaming idea kung anong magazine or broadsheet siya.

12 mga puna

  1. hmmm anong restaurant yan? meron kasi ako nabasang blog entry about sa mga food sa lucban… ikokonek the dots ko hahahaha


  2. Ground Zero po.


  3. sorry po…napanood po namin kayo sa aming camera habang ginagawa nyo yan……hindi na po kami nag comment at hindi na rin po ako nakipagkita sa inyo….


  4. dapaty bang lagyan ng gravy ang sisig?


  5. kahit san ka po pumunta walang gravy ang SISIG! Hindi naman po porque press kayo may right na kayo gawin ang mga bagay na ‘yun. you should be professional. we have so many witness and we have seen you through our cameras. sa dami po ng nasabi nya na bad things, kahit isa po wala sya narinig na comment from us. even though ganun sya, we treat him nice pa din.


  6. if i am right, ako, saka yung kasama ko. dalawa lang kami. at hindi ako kasama sa grupo nila. so i don’t know kung anong galit mo sa kin. and. i posted this blog. from the same view point of you.

    sila nga ang bopols. binabasa mo ba? iniintindi mo ba? o hindi kaya ikaw yan? why don’t you use your “real name”? stupidity kills my dear.

    besides, hindi ako taga-media. estudyante lang ako. or, baka naman you’re talking about “some other” thing? dahil hindi naman sisig ang inorder nila if i remember.


  7. mukhang guilty


  8. Censya po hindi naman po ikaw, hindi kami galit sayo…..dun sa sa press daw….saka di ba pumasok pa nga cya sa counter….para sa gravy….nag comment lang kami para mabasa rin nya..through you….thank you…..


  9. hindi kami guilty dahil wala kaming ginagawang masama….censya….di kami galit sa inyo nag comment lang po…..nagpapasalamat nga kami sa inyo….eh…wala lang karapatan ung press na yun na mag gaganun..pagkain lang ang binibili nya hindi mga tauhan ko…saLAMAT


  10. Kung hindi niya sinabi kung saan ang diyaryong pinagtatrabahuhan niya, mas malamang kesa sa hindi na nagpapanggap lang yan, or kung press nga talaga siya, nagmukha lang siyang timang.

    Nice post, mervs.😛


  11. Kay groundzero:

    Pde ba kaming makahingi ng clip nung sinasabi mong na-camera si food critic?

    penge. penge. pls? ^_^

    sisig with gravy! Nyahahaha!


  12. hahaha! freedom of the press is not absolute!! maaangas tlga karamihan sa press or media, they think they have all that power to bully people..



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: