h1

Himala, tumama din ang PAG-ASA. (at kwento tungkol sa naganap noong nakakaraang araw) pt.1

Oktubre 3, 2006

Sa Wakas ay tumama din ang “Forecast” ng PAG-ASA. Magkakabagyo daw. kaya ayun sinuspend na ang klase, gawin nating parang time-table.

Septemeber 27, 2006 – maghapon akong nanonood ng TV, at nung sumapit ang dilim. tinawagan ako ng pinsan kong isa. gawa daw kaming project niya bukas dahil wala silang pasok. mejo hindi rin ako magaling dun. pero oo lang ako. Then ang ate ko naman punta daw kaming wake ng lola ng BF niya. then napanood namin sa balita may bagyo nga dito sa metro. ang rinig ko signal number 1 lang.
September 28, 2006 – 8 am. eto na. nagising ako. mejo hindi nga maganda ang panahon. tinanong ko pa mommy ko kung tutuloy kaya ang pinsan ko. pero baka hindi na raw dahil hindi nga maganda ang panahon. ngunit,

9 am – biglang dumating ang pinsan ko. eto kaagad kami. nagsimulang gumawa ng kaniyang project. mejo hindi na maganda ito dahil pa-wala wala na ang kuryente. buti na lang naka batterya kami. at ako naman nagchacharge ng cellphone. saktong sakto ng

10 am – full charge na ang cellphone ko, Bigla ding nag brown-out (ngunit sa totoo pala ito ay isang black-out na) kaya eto kami tuloy sa paggawa ng project ng biglang nagkapaguran na kami. at may pumasok ding isang teks sa akin (thinking na mahirap na ang signal) “dito kami sa market market, natatanggal ang mga bubong sa open area.

12 nn – 4 pm – nag low bat na ang kompyuter. kaya tumambay na lang kami. lumabas kami sa aming terrace at makikita mo ang tindi ng bagyo. named Millenio (Phillipine Name) at tumambay kami kwentuhan dumating din ang ilan kong pinsan nag-gagala kahit na nagliliparan na ang bubong, mga gutter, at alulod. mejo tumataas na ang tubig. ngunit luckily hindi ito umabot sa amin ngunit dahil sa low craftmanship ng gumawa sa aming bahay, mejo nabasa din ang loob ng bahay namin. (hindi lang pala mejo).

4:30 pm – humupa na ang hangin at lakas ng ulan, walang kuryente. (na magpapatuloy hanggang sa dulo ng walang hanggan) nag jacket ako at napagdesisyunang puntahan ang isa naming pinsan para kunin ang kanyang hinihiram na damit. (sa kabutihang palad, kuryente lang ang nawala, ang linya ng telepono ay hindi naman nagkanda loko loko.)

4:45 pm –  6:00 pm – tumambay lang kami doon ng isa kong pinsan sa isa pa naming pinsan. kumain ng chichirya. kwentuhan blues, at kung anu-ano pa. ngunit noong dumating na ang 6 pm. nag desisyon ng umuwi ang pinsan ko. sinamahan ko na siya dahil ako’y uuwi na rin. hinahanap namin ang tito naming nag-tatrycycle sa pilahan, nakita namin ang trycycle ngunit hindi namin matagpuan ang tito namin. kaya nagkalakad kami papunta sa matandang bahay namin. nakasalubong namin ang tito ko. ngunit magpapa-alam daw ang pinsan ko sa lola namin kaya sabi ng tito ko ay aantayin na lang niya kami. ngunit wala kaming natagpuan. wala pala ang lola namin sa bahay. kaya naglakad kami ulit at nagpunta sa bahay ng isa naming tito. sandali lang kaming tumigil at kami ay lumakad na. sira nga pala ang trycycle ng aming tito.

6:15 pm – 8:00 pm natanggal na pala ang gulong at maghahanap ng vulcanizing shop. ako naman ay sumama para naman mag trip. may isang concretong poste ng PLDT (daw) ay tumumba sa kitang kita ito ng aking dalawang mata. (wala akong third eye) at makikita mo rin ang kabulukan ng pagkakakagawa ng poste dahil makikita mo na ang bakal sa loob ay napakanipis. (hindi pala tumumba ang poste, ito ay nahati sa dalawa).
eto na kami nasa trycycle ng kaibigan namin. naghahanap ng vulcanizing shop. ngunit brown out nga kaya wala kaming nakita. then hinatid na namin ang pinsan ko. mejo ma-traffic talaga, makikita mo rin ang epekto ni millenio. ang mga puno tumba. makikita mo ang nagkalat na mga sanga at puno. wala ding ilaw. dinala ko nga ang aking handy tools iniisip ko baka ma “silent hill” ako or “resident evil” haha. ang tanging liwanag na iyong matatagpuan ay ang mga liwanag na iyong matatagpuan sa mga head light ng mga sasakyang makakasalubong at ang ilaw na nangagaling mismo sa tricycle. nahatid na namin ang aking pinsan at kasalukuyang lumalabas sa kanilang baranggay ng biglang namatay ang tricycle, buti na lang malapit na ito sa gasolinahan (yung matino ha, hindi yung bote bote)  tinulak namin ito (sa katunayan silang dalawa lang ng tito ko ang nagtulak ako konti lang dahil umiiwas ako sa tubig). aming naabot ang gasolinahan, nagpalagay ng gasolina at sumibat na kami. nung kami ay nakarating sa aming baranggay dumrecho na ako sa aming bahay.

9 pm and beyond. nagkukuwentuhan na lang kami sa bahay, nakikinig sa mp3 player. sa am radio. at kung anu-anong pag tutunganga ang aking ginawa. hanggang sa inabot ng antok. sa kabutihan ni mother nature, eh may hangin kaya nakatulog naman ako ng mahimbing.

bukas na lang or mamaya ang kasunod na parte. inaantok na kasi ako. at tinatawag na ako ng aking kama. para matulog. pati ng aking electric fan para siya buksan. hanggang sa susunod

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: