h1

Sirang Dilat ang Mata.

Setyembre 17, 2006

ayan, umaga na alas-ocho na. nakaiglip ako guess kung gaanong katagal? 10 minutes. ayos na ayos. kaya eto. isa akong sira ulo na Dilat ang Mata.

Pinilit kong matulog ngunit talagang hindi na ako makatulog ayun pala, dahil kumakalang na ang simura ko. eh di nagluto na lang ako ng scrambled egg (badtrip isa na lang) tapos naisipan kong lagyan ng ham. sabay sabi ko aantayin ko si “potpot” yung sa pandesal. bakit potpot? dahil yun ang pangtawag niya. “pot pot” hahaha

Tapos naman, dumating ang kuya ko galing QC.umaga na. mongee talaga yun tapos nakita niya yung niluto ko eh mukhang hindi pa natutulog galing daw siyang party. ayun tinignan sabay napa “badtrip hindi nabuo yung scrambled egg”. sabi niya. “madami kasing ham” haha. kitams? kaya hindi ko masabi sa itaas na konting ham heh. tapos nagbalot pa siya galing dun sa party. penne daw. nakabalot sa itim na plastic (parang garbage bag ba?). buksan ko na daw agad at baka mapanis na.

Binuksan ko na ng biglang may “hindi” magandang amoy na lumabas. sabi ko. “mukhang expired na yan ha”. una mukhang hindi siya makapaniwala. kaya sabi niya “teka tignan ko” sabay pagkakita. “ay oo nga” ayun sa basurahan na sa labas inabot. haha. kaya eto naisipan ko munang kumonekta sa kamangha-manghang mundo ng internet. konting type chat at kung anu ano pa. hindi dumating ang pandesal na inaantay ko. bwiset. kaya pinapak ko na lang yung niluto kong itlog.

ayan umaaraw na mejo sumasakit na mata ko. (kahit na naka pinaka mababang brightness na itong monitor ko) kaya sige paalam muna CHOW!

Disclaimer:

the expression “CHOW!” is copyrighted to a person named allania. “allan manuel”  haha

2 mga puna

  1. Wow! Sarap naman ng scrambbled eggs! Hehehe! Kuya mo pasaway. Magpapasalubong lang eh bulok pa bwahahaha


  2. pagkagising ng mommy namin.

    napagalitan siya. bakit? hindi dahil sa umaga na umuwi, kundi dahil bakit daw sa basurahan nilagay, hindi sa kanin-baboy. hahaha😀



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: