h1

ang pagkikita. (part 3, ang pagtatapos)

Setyembre 15, 2006

At natapos na nga kami sa pagkain, (take note: hindi namin lahat naubos ang pagkain namin except kay ate darla na naubos niya saka kay trish ata). pahinga ng konti kwentuhan at kami ay lumabas na ng mall, ang buong akala ko ay uwian na kaagad ngunit ako’y nagkamali. nagbabalak pa pala silang mag kape. una kaming nagpunta sa starbucko ice drop. ngunit dahil nga “in-demand” ito. puno siya. kaya tumawid kami sa kabila ng megastrip at nagpunta kami sa “seattle’s worst” ika nga ni condorhero (na kahit hindi namin siya kasama). una din walang space. at ang una naming napansin ni randy ay ang “offline” yung sa wifi access, pumasok kami sa naturang kape shap, at lumabas naman kami sa kabilang dulo, parang dumaan lamang kami. at tumigil kami sa harap. at nagtatanong na sila kung ano pa ba balak, naisipan nilang bumalik na lang sa starbuko. ngunit nakita namin na meron ng lugar sa seattle’s worst kaya doon na lamang kami umupo. nag-ayos ng konti at “sabay” na pumasok si ate darla at randy sa loob ng kape shap, tinanong kami kung ano gusto, frap na lang daw and stuff, ngunit wala pa lang frap sa seattle kaya mga hot and cold coffe na lang. habang nasa loob sila ate darla at randy, naiwan ako kasama ang dalawang pasaway, sa labas, (take note: mejo madaldal na ko dito sa part na ito). tahimik lang ako at nagsalita si princess, “hoy, bakit ka ganyan? Sa YM ang ingay ingay mo pero ngayon ang tahimik mo.” tumawa lang ako, kaya nagtanong na lang ako ng nagtanong ng kung anu-ano. si trish tumatawag na ang kanyang ina. si princess naman nakikita na rin na papagalitan siya.

Lumabas na sila ate darla at randy kasama ang mga kape, my tatlong ice coffee at dalawang hot coffee, (pahabol ko lang noong papunta kami sa seattle’s worst, sinabi ko na “wag niyo na kaming idamay sa caffeine addiction ninyo” hehe).

wala daw frap pala doon kaya napaisip ako yung dalawang parang mocha na ice coffee napunta na kina princess at trish. yung isang hot coffee naman na dark ata yun na kay ate darla na. kaya ang pagpipilian ko na lang ay yung isang dark ice coffee at cappucino. eh hindi naman ako umiinom ng dark kaya cappucino na lang ang pinili ko, mejo mapait ang kape nila, kulang sa “coffee mate” haha creamer, kulang kaya binuhos ko na lang ang isang sachet ng white sugar sa kapeng iniinom ko, sa sobrang kailangan sa mga kasama, nakuha ko pang mag straw. sa hot coffee. at napagtanto ko din na hindi hahalo ang asukal dahil napunta lamang ito sa bula sa ibabaw. nagkwentuhan kami at kwentuhan at nagkwentuhan lamang. at noong mga bandang alas-diyes y media na, napagdesisyunan naming “pack-up” na sa pananilita ni randy at “uwian na” para naman sa aming mga normal. inubos ko na ang iniinom kong kape at sinabi ko kay ate darla at sa mga girls na may dalang bag na itago na ang tasa, ngunit bad nga pala ito. sinabi ko rin kay princess na dasalan niyan ng limang beses ang kanyang kape at bago siya mapagalitan ng kanyang mommy ay bigla niya itong i-abot ngunit naubos na daw pala niya ito.

Kami ay tumayo na kami at nagpaalamanan na. si randy kasabay si trish, si ate darla si princess naman. napaisip tuloy ako. ako ang pinaka bata sa grupo na yun ngunit ako pa ang walang kasama? haha. mejo hiwahiwalay na kami si randy at trish at tumuloy na sa kabilang building at si ate darla at si princess ay papunta sa aking likuran habang ako naman ay naglalakad naisipan kong lumingon sa likod at nakita ko si ate darla at princess na tinatawag ako, doon na daw sila sa st. francis square sasakay kaya mejo nagkasabay sabay pa kami. hanggang umabot na kami sa sakayan ng FX papuntang pateros, isang huling “babay” at ako’y sumakay na.

Nagteks sa akin si ate darla noong nasa bahay na ako pati na rin si randy. si ate darla ateng-ate ang dating na tinext pa sa akin ang plate number ng FX na sinakyan ni princess. si randy ewan ko lang. hehe at ayon sa usapan aftermath ako pala ang pinakamaagang nakauwi, 11:30, si trish mga 12 daw pati si ate darla nagtext siya sa kin nung nakauwi na siya. si randy hindi ko lang alam hindi na siya nag text. si princess daw ala-una na nakauwi. dapat pala ay sumabay na lang siya sa akin ngunit mejo “awkward” naman ang setup nun kahit anong isip ang gawin ko🙂 haha.

Mejo bago ang karanasang ito dahil first time ko itong ginawa, enjoy naman kahit papaano. kaya hanggang sa susunod muli Photobucket - Video and Image Hosting

P.S

sa palagay ko si ate darla at si randy gusto pang Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting

at sila princess at trish inaantay ang Photobucket - Video and Image Hosting hehehe Photobucket - Video and Image Hosting

palagay ko lang naman yan😀

at my mga nagtatampo pa. hehe kayo kasi eh, dapat tinawag niyo si Photobucket - Video and Image Hosting eh kaso naman mukhang wala talaga kayong panahon. hahaha di bale next time na lang kung magkakatotoo pa. sana😀 Photobucket - Video and Image Hosting

9 mga puna

  1. kakatuwa naman yan hahahahaha! ayos ah, kakainggit. kung nandun ako mas lalong magulo bwahahahaha! nagstraw ka sa kape? hahahaha! mukhang tomadors ang dalawa ah (randy at darla) LOLs


  2. oo napaisip nga ako eh. hot coffee ang iniinom ko tapos gumagamit ako ng straw. :)) eh kasi ba naman lima din yung straw. HAHAHAHA


  3. ako din kahit kelan hindi ako naadik sa kape. tea na lang okay pa pero kapag kape e ayoko. baligtad kasi ako e🙂 imbes na hindi makatulog e inaantok pa ako kapag nakakainom ng kape. hehehe…

    about dun sa ikaw yung pinakabata at ikaw pa yung walang kasama… hehehe…. parang gusto mo yatang magpahatid sa kanila ha?!😀


  4. cno ung neul?

    pare ang haba nmn pero nakakatuwa:)) wakekekek.. kelan kaya susunod :-“


  5. hahaha. hindi naman siguro. baka lang hehehe😀 pero actually parang may insomia ako eh. hirap akong makatulog sa gabi pero pagnakatulog ako siguradong kumpleto tulog ko. sinasabi ko nga parati para lang meron akong jetlag ng hindi naman umaalis dito sa pilipinas hahaha😀


  6. tol, hindi ko gusto yung ano tawag mo dyan yang parang smiley? lalo na yang katabi ng hanggang sa susunod muli…. bading ang dating! hahaha (OT)

    sa susunod, inuman na talaga ang pupuntahan natin… kaya lang bawal ang minor… kaya maiiwan kay sa labas…


  7. pareng randy ganoon talaga yun.

    anyway, sa inuman kayo pupunta? ank ng kung 16 above pwede yung dalawang girls. maiiwan ako sa labas. then hindi bale ok lang iiwan mo naman sa akin yang laptop mo pati yung wallet mo na madaming pera. iiwan mo naman sa akin kaya OK LANG!!!! bwahahahaha😀

    @princess
    si neul? nakita lang daw po niya itong blog ko sa aming dashboard😀


  8. hay naku graduation nananman panu na ung mga crush natin.hehehe


  9. hayley? uhh? parang hindi ko maintindihan yang comment mo ha.



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: