h1

ang pagkikita. (part 2)

Setyembre 12, 2006

Ako’y dumating na nga sa Megamall at kaagad akong pumasok sa loob ng nasabing mall. Nagtext ako kay randy kung nasaan na siya ngunit hindi siya sumasagot. habang nasa FX ako ay kanyang tinext na sa club synergy game center daw kami magkita. at tinext naman ako ni ate darla na sila ay nasa food court sa tapat ng jollibee. sa katunayan dumaan na ako sa jolliebee ngunit hindi ko sila nakita at dumirecho ako sa game center. naupo at nung magtetext na ako bigla ko na lang nakita ang trademark na “hiking bag”. bigla na lang pasimple pa na bigla lang akong nakita “oi” sabi sa akin sa katunayan sabay pa kaming nagbatian. si “randy” na pala yun. at sabay kaming nagpunta sa lugar ng tagpuan. sabi ni randy eh “maghanap ka ng tatlong babae” sa katunayan yun ang ginagawa ko kanina pa. ngunit wala kaming matagpuan ng biglang my nagteks sa akin na parang “stalker” ang dating, “nakita ko na kayo” ang teks na galing kay ate darla. sabay tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng isang babae at kinawayan ako. kaagad kong tinulak si randy papalapit sa kanya. kaya pala talagang hindi namin sila makikita. umalis ang dalawang pasaway, at nagiisa lang si ate darla. kaya ayun paglapit namin, pakilala and stuff. at “hand-shaking” na mejo nahihiya pa ako. kaya pala wala ang dalawang pasaway ay dahil bumili sila ng zagu. kaya kwentu-kwentuhan muna ng konti. hindi ko na matandaan ang pinagkwentuhan ngunit nagkwentuhan nga kami.

after 12490813512413 seconds dumating na ang dalawang pasaway. tatawagin natin sila sa pangalang “pasaway 1” and “pasaway 2”. hindi joke lang. sila ay si princess at si trish. tumayo ako at lumayo sa kanila dahil talagang ilang na ilang na ako. ngunit bumalik din dahil hindi naman pwede na nasa kabilang bench ako at nandon sila sa kabila habang nagkikipagusap. magmumuka naman kaming naguusap mula sa magkabilang dulo ng mundo. kaya nagkwentuhan kami ng kaunti at lumarga na kami. trip daw nilang kumain. kaya ako naman sunod lang. una kaming pumasok sa kenny rogers. ngunit ayaw ni randy doon. ewan ko ba. mejo ako rin ayaw ko. (kung tutuusin nga pwede na ako sa turo-turo, ngunit wala naman noon sa loob ng isang mall.) kaya lumabas din kami sa nasabing kainan at nagpunta naman kami sa mann hann. ngunit ayaw ni randy dahil mahaba ang pila. kaya lumakad ulit kami pakabila naman at napunta kami sa pho-hoa, isang vietnamese restaurant. sa isip isip ko. makakakain ba ako diyan? makakain ko ba yan? hindi lang ako nagsasalita ngunit parang hindi ko feel sa nasabing kainan. pumasok na kami at umorder na ng kakainin. mejo matagal din dahil parang ayoko talagang umorder ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? kaya umorder na lang ako. ang aking naorder ay mejo common sa mga asian restaurant kahit sa hen lin meron nun. yung “braised beef”. Kaya nung nakita ko yun sa menu yun na lang ang aking kinuha, sa katunayan naamoy ko lang yun sa tabing mesa namin at naisip ko na yun na lang. si randy ay umorder ng parang ramen style noodles, si ate darla naman parang hipon na spicy ngunit, pinaalis niya yung anghang, si princess naman parang sizzling plate. at si trish. actually hindi ko nakita pero tingin ko parang dimsum style na pagkain. ngunit hindi siya steamed, pero hindi ko talaga nakita. merong inorder si randy na parang ewan ko. mukhang gulay na my ewan talaga. tinikman ko ngunit hindi ko talaga makain ito at wala na akong nagawa kundi iluwa ito. parang lasang sabon siya na ewan talaga. ang dalawang pasaway naman ay hindi nauubusan ng kwento kahit nung naglalakad pa lang kami. sa katunayan, nagkakatinginan na nga lang kami ni ate darla, randy at ako. dahil talagang hindi nauubos ang kwento.

mejo mahaba na ang kwento, ang part 3 naman ay sa susunod na.

Abangan😀 hahaha

8 mga puna

  1. w0w ang kulet nmn.. twa k0 ng twa d2.. heheh


  2. huwaw nmn ayos :)):)) ay di nga pala ako ung cess:))


  3. akala mo princess ha. WAHAHAHA. :D:D

    *comment editted* bwahahaha.😀

    malapit na ang part 3🙂


  4. Wahahaha! Pwede tong pang-Palanca…hehehe.. Ayos sa kwento. Ako’y nananabik. Tingin ko tlagang napakadaldal ng dalawang ‘pasaway’ ano? Hehehehe..


  5. oii pareng condor salamat sa comment. pero talagang madaldal. sila kung alam mo lang. hahahaha


  6. nakakatuwa naman ito… parang teleserye sa tv. may series kasi e.🙂


  7. hahaha, maraming salamat po sa iyong feedback😀 wala lang po akong magawa kaya naging parang nobela na siya. hahaha. buti wala akong mga rant nitong mga nakakaraang araw. hehe
    anyway, paano mo po nalaman itong aking munting blog?


  8. snake: nakita ko kasi sa Top Post sa Dashboard yung blog mo🙂 natuwa nga ako dun sa post mo kasi parang ganun din ako kung minsan magkuwento e😀



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: