h1

ang pagkikita. (part 1)

Setyembre 9, 2006

nirequest ni idol akio na ikwento ko ang istorya tungkol sa pagkikita ng grupo ng PUPconnect nung isang linggo. dated “September 2, 2006”

sisimulan ko na ang kwento. itong pagkikita na ito ay isang aksidente. biglaan ika nga nila. nagsimula ito sa isang teks mula kay randy. sabi niya “nasa megamall si cess at trish wala na daw pamasahe pauwi, punta tayo.” ang sinagot ko naman ay “wala akong ibibigay sa kanila, gabi na eh saka baka traffic pero punta ko. bahala na.” at nagtuloy tuloy ang teks hanggang sa naligo na ako at nakabihis na. tinatanong ko si randy kung tuloy pa ba. pack-up na daw sila. aantayin lang umalis ang (hindi ko na matandaan) at sisibat na daw siya. ako naman paalis na. tineks ko ang aking mommy. nung paalis na ako, biglang dumating si mommy at tinanong ako kung “gusto mo bang ayusin yang buhok mo?” sabi ko “bahala ka na.” at sinabi sa aki ng mommy ko na magtricycle na lang ako. kaya sinabi ko “hatid mo ko hanggang sakayan. :D” dahil mejo umuulan na, nakapayong kami at sinakay na niya ako hanggang pateros.
Pag-dating ko sa pateros (well technically makati na siya.) at umuulan ulan pa. pag-baba ko sa mercury drug lakad-lakad ako. tanong ako sa mama “san po ba yung sakayan dito ng FX papuntang megamall?” ang sambit ng mama ay “doon sa kabilang kalsada” at nagpasalamat ako sa kanya. kaya dali-dali akong tumawid papunta sa mercury drug at pumunta sa sinabi ng mama ngunit walang nakapilang FX o kung ano pa man. kaya nagtanong ako ulit. dun naman sa washing boy. “kuya saan po ba yung sakayan dito papuntan megamall?” kanyang sagot ay “wala ng pumipila dito, tingin ka na lang sa kabilang kalsada ng dumadaan, pero hindi ko sigurado kung meron pang dadaan.” sa isip isip ko “nako umuwi na lang kaya ako?” kaya nagpasalamat ulit ako at tumawid at maswerte naman ako at my FX na dumaan. hindi ito puno. dali-dali akong sumakay. at nagpuntang megamall. Habang nakasakay ako sa FX ay biglang may nagtext sa akin, Si ate darla pala ito. at tinatanong ako kung ako ba daw ay pupunta sa megamall. at aking nasagot ay “opo” lamang.

Sa susunod na lamang ang Part 2 ng aking kwento.

Abangan. hehe.

2 mga puna

  1. ay daya.. baket wala yung part 2.. huhuhu… sana makita k0 huh!?


  2. haha para naman bumisita kayo sa blog ko. kasi naman eh…



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: