
A visit to the past (part 1)
Oktubre 19, 2007i should have blogged this a few days ago. this happend at october 18-19, 2007.
Isang araw sa aking boring na buhay, ako ay walang habas na nag internet. bigla kong naisipang kumuha ng aking Form 137 sa aking eskwelahan noong ako ay nasa first year. (well hindi daw kasi finorward ng mokong kong school nung first ang form sa pinagaralan ko nung 2nd year) na in the near future ay kakailanganin ko rin naman. so 5 am iyon. tuloy pa rin ako sa pag surf at kung anu-ano pa. ng dumating ang alas-sais ng umaga. eto na, nag-dadalawang isip na ko. sa dahilang wala pa akong tulog kahit na isang minuto. umiglip muna ko. (well di rin naka iglip) then gumising na ang aking mommy para ata sa parada (first day ng camapaign period para sa Unified Baranggay and SK elections) so ayun handa siya at umalis siya ng mga 7:30 am, habang ako ay di pa rin nakakapag handa. umabot na ng alas-otso ng naglakad na lang ang paa ko sa banyo. at nakaalis ako ng bahay ng mga 9 am. at ang way na pinili ko ay:
Bahay –> Taguig City hall(Jeep) –> Market Market(FX) –> Pacita (Bus)
ngunit sa kabobohan ko at kamalasan, hindi ko muna inalam ang mga bagay-bagay, at nalaman kong sa hapon lang pala merong ganoon. Ng akin itong malaman. nasa city hall na ko, ngunit dahil sayang ang aking pamasahe, imbes na bumalik pa ako papunta sa bicutan ay akin ng pinili ang way na
Bahay –> Taguig City hall(Jeep) –> Market Market(FX) –> Ayala (Jeep) –> Pacita(Bus)
dahil ako ay nasa market market na rin, at ilang araw ng nag crave sa Apple Pie + Sundae. ako ay dumaan na para sa hinahanap hanap kong dessert. matagal-tagal rin akong nag antay. at ang dumating ay “kahon” ng taro pie na may lamang apple pie. at ito na bumiyahe na ako papuntang ayala thru jeep, mga 10 am na rin iyon. at dumating ako sa ayala mrt station ng mga 10:30 at sumakay na ako ng bus. ngunit minalas ata ako. ang tagal nag antay ng pasahero ang bwiset na bus. kaya pakiramdam ko 10:50 na rin nakalakad ang nasabing bus. at eto na naman na trapik ulet sa alabang. at dumating ako sa eskwelahan ng 12:15 am. (alam niyo na siguro kung ano ibig sabihin niyan?) well inabutan ako ng lunch break, bwiset. at medyo masusungit pa ang mga guard. at pagdating ng 1 pm, katulad ng sabi nila. mag bubukas ang office. nagpunta ako sa opisina ng 1:15. ngunit ang sinagot sa kin ng bwiset na secretarya ay, “sarado pa po kami, 1 pm pa kami mag bubukas” hindi na lang ako nag react at sinabi ko na lang na “ok” at lumabas na naman ako. (bawal daw outsiders sa loob blah blah) at bwiset talaga. anyway, 1:45 na yun ng lumayas ako sa skwelahan na yun. (nakausap ko na ang nakausap ko) at naglakad na ulet ako. sumakay ng bus pabalik ng ayala (direcho). ng nag text ang mommy ko sa akin at sinabing wag daw akong bababa ng ayala dahil may sumabog daw at nagkakagulo. at ako naman ay parang, “ano?” well, katulad nga ng sinabi ko kanina. direcho ang sinakyan ko kaya di ito dadaan ng bicutan. mantrade na ang pinaka malapit. so as planned sa ayala ako bumaba. at nagtataka ako dahil ang traffic. (sobra) at ang daming tao sa sakayan ng jeep papuntang market market. madami ring mga choppers na lumilipad. at karamihan ng nakikita kong tao ay balisa.
well, mga 5 pm na rin ako nakauwi sa bahay noon. hehe. wala lang. nag kukwento lang ng pinag gagagawa ko. wahahaha
