i should have blogged this a few days ago. this happend at october 18-19, 2007.
Isang araw sa aking boring na buhay, ako ay walang habas na nag internet. bigla kong naisipang kumuha ng aking Form 137 sa aking eskwelahan noong ako ay nasa first year. (well hindi daw kasi finorward ng mokong kong school nung first ang form sa pinagaralan ko nung 2nd year) na in the near future ay kakailanganin ko rin naman. so 5 am iyon. tuloy pa rin ako sa pag surf at kung anu-ano pa. ng dumating ang alas-sais ng umaga. eto na, nag-dadalawang isip na ko. sa dahilang wala pa akong tulog kahit na isang minuto. umiglip muna ko. (well di rin naka iglip) then gumising na ang aking mommy para ata sa parada (first day ng camapaign period para sa Unified Baranggay and SK elections) so ayun handa siya at umalis siya ng mga 7:30 am, habang ako ay di pa rin nakakapag handa. umabot na ng alas-otso ng naglakad na lang ang paa ko sa banyo. at nakaalis ako ng bahay ng mga 9 am. at ang way na pinili ko ay:
Bahay –> Taguig City hall(Jeep) –> Market Market(FX) –> Pacita (Bus)

