
morning buzzer.
June 30, 2007hehe, mga kaibigan. hindi ito ang normal niyong mga buzzer sa umaga na ang tunog ay gawa sa isang electronic o mechanical na bagay. eg. bells, cellphone, etc. at wag ka. nagsimula ito sa pagtawag sa sarili kong pangalan. narinig kung umalingawgaw ang unang part ng bell mula sa aking kwarto. ngunit sa kasawiang palad, siya ay bell lamang sa entry na to. so kinakailangang sagutin itong si “bell”. so nung sumagot naman ito. pumasok naman ang “2nd part” ng show o ang main event. ipukpok ang pagkakamali ko sa pagbili ng gamot. kung hindi niyo nalalaman, itong si bell ay may ginawa pang midnight buzzer noong nakaraaang gabi at kulang na lang eh isisi sa akin pati sariling buhay niya. sa hindi ko malamang dahilan. oo mali na ko. pero pwede ko bang madaliin ang mga assistant sa drugstore na yun? hindi kaya sa dami ng tao kagabi kung minadali ko yun eh “magtrip” pa at hindi ako pansinin lalo o bagalan pa ang pag bibigay ng gamot? at may mga binitawan pang salita itong si bell na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. mga katagang “hindi ko alam kung matalino ka ba o *scrambled words here, hindi ko na matandaan* (pwedeng sa antok rin)
heh, hello? ok ka lang? kayo lang naman nagsasabi na matalino ako from the “very start” pa lang di ba? i never considered myself one. hindi ko nga alam kung bakit niyo sinasabi yan. parang joke o kung anong gimik niyo na hindi ko alam, dinadaan niyo ko sa psychology, sasabihin mo na matalino ako ipupukpok ko si iisipin ko talaga ganun. parang yung kay wilma doesnt na pinukpok ng nanay niya (o tatay ba?) maganda siya pagkabata pa lang, dahil ba nakita niyo na tanga ako? o bobo? hindi ko na kasalanan yun kung bakit hindi ako ang mga ineexpect niyong mga anak. eto lang, kung mababasa niyo to. isa lang masasabi ko. kung ano ako ngayon. kayo rin naman ang gumawa sa akin para maging ganito ako. hindi sa pag-aano, pero mga kapatid ko sumuko na sayo. sa hindi malamang dahilan nagtiyatiyaga pa ko sayo. nakakapagod, nakakasawa.
ang mahirap kasi sayo, hindi mo nakikita mga ginagawa ko. puro mga “ayaw” mo ang tinitignan mo. ikaw na rin ang gumawa, kaya bakit pa ako kikilos, gagawa. kung ang laging nakikita mo lang ay yung hindi ko paggawa? for what? i don’t see any reasons to do that anymore. wala na yung urge, sense. o kung ano man. saka eto pa. alam ko may mga pagkakamali din ako. pero ikaw?
teka, naging rant post na. saka wala ng lumabas na salita sa bibig ko. hanggang dito na lang muna, tulog na lang ulit ako. magdasal na totoo ang time space warp
