
questions, questions, questions.
March 26, 2007note: kung kani-kanina ko pa ginawa ang post na ito. baka iba ang sinabi ko sa mga sinabi ko ngayon.
Dialogue 1:
the kid: uhh, kanino to? (mga 30 centimeters ang layo sa kausap)
mother: ……… (nanonood ng TV)
the kid:(nilakasan ng konti yung boses at medyo naiirita na): uhh, kanino ba to?
mother: ………. ano?
the kid(medyo galit na): wala.
well, sa dialogue na yan. ano ang mararamdaman ng isang normal na bata?
naisip ko lang din, ang pagiging magulang ba sa isang anak ay nakabase lamang sa mga kung anong material na bagay ang binibigay mo sa kanila?
ngayon pumapasok ang ano ba ang love? parental love? anu-ano ba ang mga klase nito?
ano ang mga dahilan sa mga nangyayari? anong proseso ang mga nagaganap. bakit nagkakaganoon? bakit hindi nagkakasundo ang mga magulang at mga anak? ano ang dahilan sa likod ng pag-”rerebelde” ng isang bata? yan ang mga katanungang pumapasok sa isip ko.
