Archive for February, 2007

h1

no title. (again pt.2)

February 20, 2007

una kong nakita ang test na ito sa blog ni ate cagalli, ngunit hindi ko mawari kung paano ito masusubukan kaya hindi ko na tinuloy. at ngayon nakita ko sa blog ni kuya kons. tinanong ko sa kanya kung saan at eto ang naging resulta.

naruto
Which Naruto Character Are You?
Test by naruto - kun.com

hmm, ewan ko lang. LOL.

h1

Third Party “Mervyn”

February 19, 2007

well, ano nga ba? alam niyo sa totoo lang pikon akong tao. pero hindi yan ang point.

Nakakainis kausap ang ayaw sumagot, pero nakakabwiset din namang kausap ang nagger. daldal ng daldal. minsan pa bigla ka na lang magtataka dahil ang layo layo na nung nirereklamo sa topic ng usapan. sa totoo, wala ako diyan sa dalawang naguusap na yan. pero ako ang “third” party kung tawagin nga nila. (alam niyo yun? yung sa mga TV?) pero hindi third party na mangaagaw o dahilan ng pagkasira ng isang relasyon.

Pero third party ng dalawang naguusap na ito. paano kaya kung ikaw ay natutulog sa kabilang kwarto at yung dalawang naguusap ay nasa kabila lang at ang pagitan niyo lang ay isang pintong kahoy na may salamin na malabo at hindi sound proof. siguradong instant ang pagkasira ng tulog ang aabutin mo. ako pa naman yung hirap gumawa ng tulog unless inaantok na talaga. (eh minsan nga eh inaantok na ko tapos di pa ko makatulog.) hayy, sana maging totoo yung movie na click. yung pwede mong icontrol. (well hindi ko pa napanood yung movie yung mga trailer lang.) pag nagkatotoo yun, pwedeng hinaan na lang yung volume ng mga nagtatalo.

well, hindi ko alam kung paano tatapusin tong blog entry na ito. ang masasabi ko lang ay:

E=mc^2

\i\hbar\frac{\partial}{\partial t}\left|\Psi(t)\right>=H\left|\Psi(t)\right>

Well, hindi ko rin talaga alam kung ano yan (specially yung panaglawa, at least yung una may idea ako.), sinubukan ko lang yung bagong feature dito sa wordpress.

h1

Panalo! (wala akong maisip na title)

February 16, 2007

well, konti pa lang ang tulog ko. kaya naisipan kong mag ikot ikot sa wordpress tagalog portal. ng mapunta ako sa isang wordpress blog tungkol sa isand adik. na nahuli na nagnanakaw ng trycycle.

Link

hehe wala lang. enjoy :D

oo nga pala nakita ko ito sa http://gantokasiyun.wordpress.com :D

h1

wala akong maisip na title #1

February 3, 2007

 nasa ibang bansa na nga ako, pero tignan niyo naman ang binili ko.

starbuko1

hahaha. vanilla frap. na tall. 440 yen ang halaga. pero ewan ko. dami ring paghihirap para mabili yan. wala lang. gusto ko lang ipost. hahahaha