Archive for June, 2006

h1

ikaw wala kang paki-alam, ako walang paki-alam, eh anong mangyayari sa ating lahat?

June 24, 2006

english translation of the subject: “You don’t care, I don’t care, now what will happen to all of us?”

Yan ang nangyayari sa buhay ko ngayon,(kung sa bagay matagal ng nangyayari sa buhay ko yan.)
katulad na lang ng magsasabi ka sa iyong kamag-anak ng problema mo, (hindi ko na sasabihin kung sinong kamag-anak alam na nila kung sino sila.) ang sasabihin sa akin eh wag mo na lang pansinin, hayaan mo na lang, o kaya naman isnabin mo na lang. eh anak ng pating naman oh, eh pano masusulusyunan ang prboblema kung ganyan lang ng ganyan, kung sa bagay kasi, hindi ko naman sila kasama sa bahay. eh pano yan? ganito na lang habang-buhay wag na lang pansinin, hayaan na lang, o kung anu-ano pa na hindi naman makaka-address sa problema. eh ano mangyayari sa amin?

h1

bakit kaya my mga taong makukulit?

June 23, 2006

Bakit nga kaya. why? mejo nakakabanas na din minsan ang ikaw ay kulitin hindi ba? pero alam ko yung angkan ko sa mother side pare-pareho kami mejo naiinis sa mga bagay na paulit-ulit. hindi ba ako credible na tao? kung sa bagay mula pagkabata ko eh hindi naniwala sa akin ang mga kasama ko sa bahay. about 2% lang ng sinabi ko ang pinaniwalaan nila. pero kahit kailan hindi naman ako nagsisinungaling sa kanila. hindi kaya panahon na para mag-sinungaling naman ako sa kanila para maiba naman? at least kahit hindi sila maniwala sa akin hindi masyadong masakit sa kalooban ko dahil alam ko na hindi rin naman totoo yun.

teka OT na yan ha ang layo naman ng nasabi ko sa subject.
anyway,
my isang tao ngayon lang mejo actually kanina pa may tumatawag dito sa bahay. hinahanap ang mommy ko,
sabi ko wala lumabas-at umalis. so mga after 1 hour tumawag ulit. eh di ganun pa din sabi ko siyempre ok lang yun dinagdag ko pa na bakit hindi niyo na lang i-text. sabay after 5 minutes tumawag ulit. parang dun na ako na-aasar (kasi naman naglalaro ako ng metal gear solid 3)
mejo napataas na boses ko. sabi ko “wala pa nga eh, bakit hindi niyo na lang ba kasi i-text”
sabay binaba ko na tapos kanina lang nagpunta dito yung tumatawag. ayun diyan na natatapos ang kwento ko. hehe

siyempre translate ko sa english para mahasa pa ang aking english skills at baka my “international audience” ako malay mo lumabas ako sa google di ba?

hindi na wag na hindi ba nga mejo nakakainis sa akin ang sobrang pa-ulit-ulit? next time english naman ang post ko hahaha!!!!

h1

yehey pumasa ako sa A & E

June 23, 2006

ako ay tuwang tuwa ngayong araw na ito dahil pumasa ako sa exam ko na kunuha ko sa DepEd last February (di ko na matandaan kung kailan) at sa hindi ko malamang dahilan eh biglan kong naisipan na pumunta sa website ng deped at nakita ko yung link na yun yung “Announcing the Passers of the ALS A&E Test held last February 2006 (Secondary Level)” pag click ko walang lumalabas biglang nakita ko PDF format pala kaya kaagad kong kinlose yung window at right click ko ito sabay “save target as” mga 600kb siya kaya mga 4 minutes din akong naghintay. actually hindi ako mapalagay habang dino-download ko yun kaya naisipan kong i-copy yung partial file at try kong i-open pero hindi na-open sabi error. kaya hinintay ko na lang. nung na download ko na lahat tinignan ko kaagad yung sa pinakababa dahil nagsisimula sa letter V ang apilyedo ko pero Z kaagad ang nakita ko (ibig sabihin my mas huli pa pala sa akin sakaling kaklase ko sila)at unti-unti ko ng pinipindot ang page-up hanggang sa makita ko na ang apilyedo ko ngunit hindi ko nakikita pangalan ko sabay napansin ko na sa N na yung pangalan at pagkatapos pa ng isa kong pag page-up ayun nakita ko ang buo kong pangalan (at hindi siya wrong spelling ha, kasi madalas na nangyayari sa pangalan ko eh “mervin” eh sa birth certificate ko “mervyn” sabihin niyo ng inarte ako pero madami kasing “mervin”)

actually nagulat din ako nung makita ko ang sarili kong pangalan sa PDF file na yun hindi ako makapaniwala. kaya ngayon my question is san ko kukunin yung certificate ko? hehe.

h1

am I the only one?

June 21, 2006

Am i the only one who can’t connect to yahoo? i can’t log-in my messenger, even my e-mail.
what the hell is happening here? anyway why is that i’m very unlucky? i don’t know…

h1

first time

June 13, 2006

well this is my first time in all of this stuff. even with the controls im kinda still confused a little in short im testing haha lol..